He didn't answer, he looked up the sky instead, putting the both hand on his waist and let out a deep breath.

"I'm wasted that night. Hindi ko alam kung pa'no nangyari--"

I cut him off because of his bullshit reason!

"Putcha naman, Eris! Imposibleng wala kang alam! Imposibleng hindi mo alam!"

Hindi sapat na rason yung alak para gawin nila 'yon... at kahit na may tama s'ya no'n! Alam n'ya 'yung ginagawa n'ya!

Pero bakit hinayaan n'ya...?

Akma s'yang lalapit ngunit isang lagitik na sampal ang nakuha n'ya sa'kin.

Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa pisngi n'yang namula dahil sa sampal ko.

Tumungo s'ya at napalunok.

I saw some tears falling on his nose down to his chest.

Tinatagan ko naman ang loob ko at muling nagtanong.

"I want an honest answer... this time, I'm going to trust your explanation kaya siguraduhin mong totoo ang isasagot mo." I tried to calm my voice but I've lose.

Hindi ko napigilan ang pagpiyok habang nagsasalita. Pakiramdam ko ay walang tigil ang luhang umaagos sa mata ko.

I looked at his eyes and like mine, it was also wet because of the tears. His nose was started to turn red as well as his ears.

I took a gulp, "Anong oras ka umuwi ng gabing 'yon?"

I'm still curious about it pero noong nagpaliwanag s'ya sa'kin, pinaniwalaan ko agad ang sinabi n'ya.

Matagal bago s'ya nakasagot. Nakita ko rin ang pagkuyom n'ya sa sariling kamao ng dalawang beses.

"I slept with Jace's condo," he stopped and brushed his hair again because he looks like it was hard for him to spill the last phrase. "With Xy beside me."

Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi n'ya. Ilang beses akong umiling at halos maubo dahil sa paghahabol ng hininga.

Lumapit s'ya sa'kin at naramdaman ko ang paghawak n'ya sa magkabilang braso ko.

Muli ko s'yang itinulak ngunit hindi naging sapat 'yon para lumayo s'ya.

"I swear... wala akong alam sa mga nangyari." He said and I heard his sobs once again.

Lumunok ako ng laway at hindi ko na kayang tumingin sa kan'ya ngayon.

"Do you really love me?" I asked.

Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo n'ya sa noo ko, "Of course! I fucking do! I do love you, Dem."

Mariin ang bawat bigkas n'ya sa mga salitang 'yon pero kahit anong sabihin n'ya, hindi nagbago ang nararamdaman ko.

Sobrang nasasaktan ako sa mga sinabi n'ya.

Sa pagsisinungaling n'ya.

I don't understand why did he lie to me when he doesn't want someone who's lying on him.

Muli ko s'yang itinulak at tinignan sa mga mata, my tears still falling.

I took a deep breath after studying his thwarted and miserable image.

"Hindi ko na ata kayang maniwala, Eris..."

Pagkasabi ko noon, saktong nakita ko ang tumatakbong si Matt na kakababa lang ng kan'yang sasakyan.

Tumigil ito sa likod ni Eris habang hinahabol ang hininga dahil sa pagtakbo.

Lumabas na rin mula sa building sina Ivann at kasama n'ya si Maddy.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon