❦︎Chapter 36❦︎ Issue

32 17 2
                                    

*Not Edited*

****
Chapter 36: Issue

Anton's POV

"Ako ang magiging boyfriend niya" sabi ko sa kanila pagka lapit at umakbay kay Keith.

"Lumayo ka nga! 'fake' boyfriend lang! Huwag assuming"

Kahit masakit ang sinabi niya ay hindi ako bumitaw sa pagkaka akbay ko sa kaniya. Ang sakit pala marinig mula sa taong gustong gusto mo ang mga salitang ganon. Yung pakiramdam na ayaw niya sayo.

"Sakit ah! Tutulungan ka na nga" reklamo ko nang sikuhin niya ang dibdib ko dahilan para mapabitaw ako.

"K-kahit na. Hindi naman matagal"

"Ibig sabihin ay gagawa kayo ng sweet stuffs?" Tanong ni Celine.

"Kahit ayaw ko, oo na lang. Kung yun ang makakapag pa kumbinsi kay mommy" irap ni Keith.

"Payag na payag ako don. Baka hindi tumagal ay mahulog na sa akin itong kaibigan niyo" I shrugged "Bantayan niyo itong kaibigan niyo, dahil hindi ko masasalo iyan" labag sa kalooban kong sabi sa kanilang lahat.

Hindi ko maatim na mag salita ng mga bagay na pag sisisihan ko sa dulo. Masiyadong masakit na nagawang baguhin ako.

****

Celine's POV

"Tara na, it's already time for our next subject" sabi ni Lyza matapos naming pag usapan ang tungkol sa problema ni Keith.

"Ayos lang ba sayo na ganon ang set up mo?" Paninigurado ko kay Keith.

"Oo naman. Wala lang yun kumpara sa pag alis ko sa gang, iisipin ko palang, nanghihina na ako" biglang naging ibang Keith ang nasa harap ko. Keith from being energetic to being sad "Ayaw kong umalis Celine...ayaw ko"

"We'll help you"

Nag patuloy kami sa pag lalakad nang narinig ang bulong bulungan sa paligid. Tungkol kay Denisse.

"Balita ko ay wala na si Denisse"

"Anong na wala?"

"Namatay na daw"

"What!? Shit girl! What happened!?"

"Dahil daw kay Celine"

"Si Celine? Bakit naman?"

"Basta ang alam ko ay siya ang dahilan, inatake daw sa puso kaya ayun"

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon