❦︎Chapter 28❦︎ Shout

50 27 13
                                    

Hello Fluffies💜 Pagpasensiyahan niyo na lang ulit ang nga typos at wrong grammars.

Happy reading......

****
Chapter 28: Shout

Kurt's POV

Lumabas ako sa kwarto kung na saan si Celine at hinanap si Jared.

Nakita ko siyang nag sisigarilyo at kasama ang kapatid niya.

"Lumabas ka muna Denisse"-utos niya sa kapatid niya na Denisse pala ang pangalan. "Ano,nag kausap na ba kayo? Dapat nag tagal ka na muna don. Baka yun na ang last na pag uusap niyo"

Dahil sa inis, mabilis ko siyang sinapak at dahil dun, sinugod ako ng mga tauhan niya.

Sinuntok ko yung lalaki na papalapit sa likod ko,pagka tapos naman ay isinunod ko ang lalaking may hawak na kahoy.

Ihahampas na sana niya sa akin yung kahoy pero naka yuko ako at di tinamaan.

Pagka tayo ko,di ko napansin na may sumugod palang isa pang lalaki at tinaman ako ng suntok sa panga.

'shit! ang sakit!'

Bumagsak ako sa sahig dahilan para mag karoon ng chance ang mga tauhan ni Jared para sugurin ako.

Ramdam ko ang sakit ng bawat tadyak at hampas nila. Mayamaya ay di ko na naramdaman ang sakit kaya unti unti kong tinanggal ang kamay ko na naka protekta sa ulo.

Nakita kong naka bulagta na ang mga lalaki kaya napatingin ako kung sino ang gumawa nun.

Mabilis akong tumayo at lumapit kay Celine na may hawak na kahoy.

"Tara na!"-sigaw niya sa akin at hinatak ako papunta sa pinto.

May mga lalaki pang nakahawak ng kahoy na humarang sa daan namin at pinalibutan kami.

****

Celine's POV


May narinig akong ilang ingay at sigaw sa labas kaya sinilip ko iyon at nagulat nang makitang nakikipag laban si Kurt sa maraming kalalakihan.

Mabilis akong lumabas para tulungan siya sa mga lalaki.

Bumagsak sa sahig si Kurt dahil sa suntok ng isa sa mga lalaki kaya pinag tulungan siya nito.

Kumuha ako ng kahoy para gamitin sa pakikipag laban. Hinampas ko ang isa sa kanila kaya nalipat sa akin ang atensiyon nila at ako naman ang pinag tulungan.

Sinipa ko ang lumapit sa akin sa harap at pag bagsak ay hinampas ko naman ang nasa gilid ko.

Unti unti silang naubos at tinulungan si Kurt para maka tayo.

"Tara na!"-hinatak ko siya papunta sa pinto ngunit may humarang sa amin na mga lalaki na may hawak na kahoy.

Nakaharap si Kurt sa kaliwa at at ako naman ay sa kanan. Parehas naming kinalaban ang mga lalaki.

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Where stories live. Discover now