❦︎Chapter 27❦︎ Who is MD?

50 32 3
                                    

Hello Fuffies💜 Intindihin niyo na lang po yubg mga typos at wrong grammar.

Happy reading.....

****
Chapter 27: Who is MD?

Kurt's POV

Kanina pa namin hinihintay si Celine malapit dito sa parking lot pero hanggang ngayon wala pa din siya.

'Nasaan na kaya yun?'

Habang mas tumatagal na wala siya, kinakabahan ako. Naalala ko nanaman ang tungkol dun sa mga lalaki na umaaligid sa kaniya.

"Shit! May napansin ba kayong mga lalaki kanina?" Tanong ko kila David.

Umiling sila at ako naman ay sumunod kung saan nag punta si Celine kanina.

Pag akyat ko sa hagdan may naapakan akong bagay. Yung heels ni Celine! Tumingin ako sa paligid at walang tao.

Tumakbo ako pabalik kila Anton.

"Nawawala si Celine"-hinihingal na sabi ko sa kanila.

"Sh*t! Saan natin siya hahanapin ngayon?"-Tanong ni Allyzza.

"Keith, Anton,paki sabi muna kila tita ang tungkol dito. Susubukan na lang naming tatlo nila David at Allyzza na hanapins si Celine"

Tumakbo yung dalawa at sumakay na sa sasakyan ni Anton.

"Tara!"-Dalawang sasakyan ang gamit namin. Mag kasama sila Allyzza at David sa isa at mag isa ko naman sa sasakyan ko.

Panay ang lingon ko sa bawat madilim na kanto at eskinita hinihiling na makita si Celine nang biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Celine ang tumatawag.

Agad kong sinagot yon habang nag da-drive pa rin ako.

"Hello Celine! Na saan ka b---"-naputol ang sasabihin ko dahil boses ng lalaki ang nag salita sa kabilang linya.

"Kurt,Kurt,Kurt, hiwag ka masyadong mag panick. Baka mauna ka pang mamatay kaysa sa girlfriend mo na kasama namin ngayon"

"Nasaan si Celine?"

"Ibibigay ko ang address kung na saan siya. Basta huwag kang mag sasama ng mga parak"-sabi sa kabilang linya at pinatay.

Hinintay kong dumating ang address na ibibigay nila bago ako pumunta don, Roxas Street sa lumang building.

Nagmadali akong pumunta kahit wala akong kasama. Hinanap ko ang building na sinabi sa text at ipinarada ang sasakyang sa harap non.

Pag pasok ko,nakita ko ang mga nakaitim na lalaki na nagbabantay don at sinusundan ako ng tingin habang papasok sa loob.

Amoy sigarilyo sa loob ng building at maraming tambak na mga kahoy.

"Buti naman at maaga aga kang dumating"-lumingon ako sa nag salita at bigla na lang nag init ang ulo ko dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Where stories live. Discover now