❦︎Chapter 25❦︎ Foundation Day

68 35 3
                                    

Celine's POV

Medyo kinakabahan ako ngayon dahil mamaya na yung contest.Nakapag practice naman kami ng maayos ni Kurt at ayos na din yung sa talent portion namin.

Ang ikinakakaba ko lang ay dun sa question and answer na di naman namin alam ang mga tatanungin sa amin.

Aisshhhh! Busy ang lahat ng students dahil nag aayos sila ng stage at nag pa-practice yung mga sasali sa bawat contest.

Sila David at Anton ay sasali sa basketball game at si Lyza sa sports event din at Keith naman ay sa singing contest.

Magkasama kami ngayon ni Kurt na naglilibot libot sa campus at nag titingin ng booth na pwedeng bilihan.Medyo hapon na din kasi gabi gaganapin ang pageant at singing contest.Natapos na din ang sports event pero wala pang result.

Nakita kong may photo booth sa bandang gate kaya hinila ko si Kurt papunta dun.

Nasanay na rin ako na mag boyfriend at girlfriend na kami at balak ko ng ipaalam kila mommy at daddy ang tungkol sa relasyon namin.

"Tara,mag papicture!!!!"-hinitak ko siya ng mas mabilis at natawa siya.

Pumasok kami at siya ang nag bayad.Fifty pesos yung three shots.

Tumingin kami sa camera at nag pose.Yung una,umakbay siya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.Kaya ayun,nakatingala ako sa kaniya sa unang shot.

Yung second shot naman ay tumatawa siya at nakasimangot ako.At yung pangatlo,parehas naming kurot ang pisngi ng isa't isa.

"Ano ba yan Kurt! Wala man lang akong maayos na picture!"-reklamo ko at sinamaan siya ng tingin.

May lumapit sa amin na isang babae at ini-abot yung pictures.

"Nako ate! Wag kang mag alala ang cute nyo po kayang tignan,ang sweet sweet!"-sabi nung babae tsaka umalis.

"Oh,narinig mo yun? Ang cute daw nating tingnan"-pang-aasar naman ni Kurt sa akin.

"Tigilan mo nga ako!"-lumakad ako palayo sa pwesto niya nag tingin pa ng ibang booth.

"Eyy,gusto mo ulitin na lang natin yung pictures?"-hinabol niya ako hanggang sa mag kasabay sa akin.

"Di na.Baka masayang lang yung pera mo"-mas binilisan ko pa yung lakad ko para di niya ako masabayan.

"Baby.....ok,sorry na....."-nagulat ako dahil niyakap niya ako mula sa likuran at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"A-ano yung tinawag mo sa akin?"-nauutal na tanong ko.

"Baby"

Di pa rin ako naka sagot dahil sa gulat.Feeling ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil biglang uminit.

"Baby,sorry na...."

"O-oo na,wag mo na ako ulit tawagin niyan"

"Anong niyan?"

"Y-yung baby..."

"Eh ano ang gusto mong itawag ko sayo?"

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon