❦︎Chapter 31❦︎ Special Chapter

32 21 15
                                    

Hello po💜 Special chapter again! Kay Keith at Anton naman para kahit papano ay fair. Hehehe. Enjoy rrading Fluffies💜

****
Chapter 31: Special Chapter

Keith's POV

"Hey mom. Good morning!" Bati ko kay mommy pagpasok sa office niya. "Pinapatawag niyo daw po ako?"

Pinuntahan kasi ako kanina ng isa sa mga maid namin at pinalatawag daw ako ni mommy. Kaya naman nandito ako ngayon sa office niya.

"Keith, di napa ako mag papaligoy-ligoy pa" huminga siya ng malalim at tinigil saglit ang ginagawa "I want you to quit your gang"

Napa-singhap ako ng malalim. Ano daw!? Di naman yata pwede yun!

"But mom!?...."

"Keith anak,alam mo naman ang nangyari kay Celine diba? I don't want that to happen to you! Pino-proteksiyonan lang kita"

Umupo ako sa harap niya.

"Mommy naman! Alam mo naman na gustong gusto kong sumali sa kanila diba? Napag usapan na natin to! Pumayag ka na sumali ako dun at aalis lang ako kapag AKO na mismo ang napahamak! Mom! Hindi ako aalis. I won't quit" matigas kong sabi.

"Don't shout at me Keith! I'm still your mother! Pag sinabi kong umalis ka jan, aalis ka. Hindi ako papayag na dumating sa point na ikaw na ang mapahamak" lumapit siya sa akin "Please anak. Gusto lang kitang proteksiyonan"

"No mom. Alam niyo ba kung bakit ako sumali dun? Kasi gusto ko! Gusto kong mag-karoon ng kaibigan! Simula bata ako, ipinag kait mo na sa akin ang kalayaan na maging isang bata. Parati na lang dapat nas honor, dapat mataas ang grade, dapat lagi na lang ako ang best. Mom.....sila yung tumulong sa akin na matutong makisalamuha sa ibang tao. Sila yung tumulong sa akin sa proteksiyonan ang sarili ko. Kaya mom please, don't force me to quit my gang"

Mabilis akong tumalikod bago pa tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

All this time, kahit minsan, hindi ko na isip na iiwang ko ang gang na kinabibilangan ko. Sila ang naging takbuhan ko pag dating sa mga problema ko.

Hindi ko inisip na dadating ako sa punto na kahit ang kismong ina ko ay inilalayo ako sa lugar at mga taong nakapag pasaya sa akin.

Lumabas ako sa gate ng bahay namin at nag lakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta naglakad lang ako hanggang sa marating ng sarili kong paa ang park.

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Where stories live. Discover now