❦︎Chapter 33❦︎ Jealous

25 17 0
                                    

Chapter 33: Jealous

Celine's POV

"Tara na"

Nagtataka kong sinundan ng  Kurt na mabilis umalis at sumakay sa sasakyan niya.

"Sige Jared. Mauna na kami" paalam ko kay Jared at yumakap.

"Okay. Sundan mo na iyon, baka maki pag break sayo iyon" ngingisi ngisi na sabi ni Jared bago bumalik sa loob ng rehas.

Naabutan kong nasa labas lang ng pinto si Kurt at nakatingin pala sa akin habang nag papa-alam kay Jared. Ang sama ng mukha niya. Naka-simangot at nakakunot ang noo.

Matalim ang tingin na ibinigay niya sa akin bago tuluyang lumabas sa police station. Pag sakay sa sasakyan ay isinindi na niya agad ang makina at pinaharurot sa kung saan.

Tahimik lang ako at pinapakiramdaman ang kilos niya. Inaalam kung ano ba ang nagawa kong mali at mukhang galit siya sa akin.

'problema nito?'

Ini-hinto niya ang sasakyan sa isang convenient store at agad na bumaba. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kniya sa loob. Nakita ko siyang masayang nakikipag kwentuhan sa isang babae na nasa counter.

Tawa ng tawa yung babae dahil yata sa sinasabi niya, pero siya ay mukhang seryoso. Medyo lumapit ako kaya napansin ako nung babae. Tumingin din sa akin si Kurt pero agad na na wala ang ngiti at umalis para siguro kumuha ng pag kain.

"Hello ma'am. Ikaw po siguro yung girlfriend nung lalaking yun ano?" Itinuro niya yung gawu ng pinuntahan ni Kurt.

"Huh? Ah oo. Bakit?"

"Naku ma'am! Ang cute po ng boyfriend niyo kapag nag seselos"

Gusto kong sapakin yung mukha nung babae dahil kinikilig pa siya kay Kirt eh alam naman pala niyang ako yung girlfriend. Pero na curious ako sa sinabi niya na nag seselos daw si Kurt?

"Anong nag seselos?"

"Kasi naman po ma'am. Bigla na lang sumulpot sa harap ko at sinabing ang lakas daw po ng loob mo na makipag yakapan sa ibang lalaki sa harap niya" na ngingiti na sabi nung babae.

Sa halip na maasar kay Kurt dahil sinabi niya sa iba na may kayakap akong ibang lalaki, parang natuwa pa ang puso ko na malaman na pinag seselosan pala niya si Jared.

'mahanap nga yun'

Pumunta ako sa gawi ng pinuntahan ni Kurt. Naka upo siya sa isang mono block na upuan habang umiinom ng tubig.

Napatingin ako sa adams apple niya na nag taas baba dahil sa pag lunok. Agad kong iniwaglit ang iniisip at naka ngiying lumapit sa kaniya, yumakap ako sa leeg niya habang nasa likod niya ako.

"Kurt..." Pag lalambing ko.

"What?" Matigas na tanong niya.

"Let's go somewhere"

Marahan lang niyang tinanggal ang kamay ko at humarap sa akin. Pero saglit palang siyang nakatitig ay umalis na siya at lumabas papuntang sasakyan.

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum