❦︎Chapter 32❦︎ Forgiveness

36 16 3
                                    

Chapter 32: Forgiveness

Celine's POV

"Good afternoon po" bati ko sa mommy ni Dennise.

Nandito kami ngayon sa bahay nila kung saan naka burol si Dennise. Yes, she died because of her heart problem.

"Pasok kayo"

Pina-upo niya kami sa isang upuan malapit sa kinaroroonan ni Dennise. Naramdaman kong bigla na lang namasa ang mga mata ko at nag simulang punasan ang sunod sunod n luha na kumawala sa mata ko.

"Hey.... don't cry" pag papatahan sa akin ni Kurt na nasa tabi ko.

Pero sa halip na tumahan ay mas lumakas ang pag iyak ko at lumikha ng mahina pero rinig na pag-hikbi.

"A-ako dapat yun eh. Ako d-dapat ang nandiyan..." Umiiyak pa rin na sabi ko.

"No. Don't say that" iniharap ako ni Kurt gamit ang kamy niya na inihawak sa baba ko para iangat ang paningin. Pinunasan niya ang luha na nalaglag sa pisngi ko. "Don't say that okay? Please don't....."

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago tumayo at dahan dahan na naglakad in front of Denisse's coffin. Nanginginig ang kamay ko ng ipatong ko ang palad ko sa tapat ng mukha niya.

'Thank you......And I'm so sorry. Really really sorry for what happened to you'

I started to cry again because of those thoughts. Sa mga isipin na dahilan kung bakit siya ngayon nandito. This is all my fault. My fault. I want to thank her for saving my life, our life. And I also want to say sorry for the heartache that I caused to her.

"Matagal na niyang sinasabing may gustong gusto daw siyang lalaki. Minsan lang siyang nag open sa akin tungkol sa isang lalaki. Sinuporthan ko siya sa gusto niya. Sinuportahan ko siya sa pamamagitan ng pagpapayo ng tama. Pero yung mga yun pala, iba ang naging dating sa kaniya" saglit na tumigil ang mommy ni Dennise "Nalaman niya na may girlfriend na daw yung lalaking gusto niya. Sinabihan ko siya na dapat ay humanap na lang siya ng ibang lalaking gugustuhin niya. Pumayag naman siya. Pero ang pag pagyag na iyon ay ang pagpayag sa kagustuhan niya na makuha ang lalaking iyon. Ang akala ko ay ayos lang ang lahat. Ayaw kong pinapasama ang loob niya dahil sa oras na makaramdam siya ng mabigat na emosiyon, maari siyang atakihin sa puso. Simula bata ay ibinigay namin sa kaniya ang lahat ng gusto niya. Lumaki siya ng mabait na bata at masiyahin. Lagi naming ginagawa ang gusto niya na alam naming kaya namin. Iyon ang kasalanan namin bilang isang magulang"

Falling In love with my Gang Mate [On Going]Where stories live. Discover now