Chapter 9

61 7 2
                                    

"I don't like the design that you want. Ang panget. Ang dilim masyado pag yung literal na stary night theme ang gusto mo." Inis na sambit ko kay Dark. Nandito kami sa tree house at pinag uusapan naman ngayon ang theme ng restaurant.

"Eh anong gusto mo? Yung maliwanag? Étoile Brillante ang pangalan ng restaurant natin tapos maliwanag? Pano kikinang ang star sa liwanag? Sana ayos ka lang Alte noh?" I can here the sarcasm in his voice at gusto ko siyang batuhin dahil doon.

"Sana ayos lang din utak mo. Our restaurant doesn't need to be that dark para bumagay sa pangalan. We can design it naman ng super daming stars everywhere diba. Or kaya kapag gabi yung kisame natin lagyan natin ng maraming fairy lights tapos pailawin para mag mukhang stars. Diba? Hindi natin kailangan maging literal pag dating sa design." I crossed my arms.

"Sabagay tama ka. Pero let me decide the color of the walls and the floor." Kundisyon niya.

Napairap ako at hindi na lang umangal. "Ok fine pero siguraduhin mo na maganda yan pag hindi hahampas ko sayo itong boteng hawak ko." Itinaas ko ang bote ng coke na hawak ko.

Napangiwi siya sa sinabi ko. "Ang brutal mo putcha." I laughed. "Black, browon and beige lang naman."

"Black, brown and beige? Hindi ba masyadong madilim tignan yung black at brown?"

"Hindi. All the walls will be beige tapos lalagyan ng onting black or brown for the accents tapos ang ceiling yung black because you want to put a fairy lights for the star effect so might as well black ang background tapos yung floor yung brown." Ngumiti siya sa akin ng matamis and again, it made my heart happy. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bahagyang tumango. "Great! Then when the night time comes yung fairy lights, the light attached above the tables and maybe some candles or fairy light na lang din na nasa loob ng malaking glass tapos yun na lang i-design natin sa paligid ng restaurant."

"Pwede din. Kapag natapos na ipatayo ang restaurant tsaka natin titignan kung ano ang mas babagay. Mahaba pa naman ang oras natin para problemahin ang ibang design. Basta ok na yung theme mabilis na lang sa decoration yan." Sagot ko na ikinatango niya. Tumayo siya sa kinauupuan namin at lumapit sa railings ng tree house.

"Ang ganda pa din pala dito kahit tanghaling tapat. Hindi sobrang init kahit nakatirik ang araw."

"Syempre wala naman ibang bahay or building na nakatayo sa paligid. Itong puno lang sa gitna ng sobrang lawak na lupain. Kaya solo natin ang hangin sa lugar na to."

"Anong oras na Alte, tara kumain na muna ng tanghalian." We went inside the tree house at kinuha ang binili namin na pag kain sa isang fast food chain. My tree house is not that big but it has its own bathroom and kitchen, sa pinakagilid ay ang single bed na binili ko. Enough for two person ang tree house.

"Alte, bat nga pala hindi na nasundan yubg ex- boyfriend mo dati? Hindi ka na ba naka move on sa kanya?" Nagulat ako sa tinanong niya.

"Bakit mo naman biglang naitanong yan?" I laughed awkwardly.

"Wala lang. I'm just confused. Wala ba'ng ibang nanligaw sayo? I mean you have the looks, the heart,the wealth and uhm the body." Pinamulahan ako ng mukha sa huli niyang sinabi.

"I just felt like I am not yet ready for that. I mean letting someone enter your life then after a few weeks or maybe a month they are gone. Like wala na. No explanation and no goodbyes." I said. "Not that I didn't try having a boyfriend again napagod lang ako sa ganon na routine and realized that I should wait for the right man na lang rather than choosing the wrong person again and again."

He nooded. "Sometimes do you think of the possibility that this year or maybe right at this moment you already found the right man?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. I felt my heart beat so fast right now. I look straight at his eyes for almost a minute looking for the answer to his question. Iniwas ko ang tingin ko ng mahanap ko ang sagot sa mga tanong niya. "I- i wish. Maybe? I really don't know. Ayokong pangunahan ang tadhana."

"Kung ako siguro ang tatanungin mo niyan, I want you to be the right person for me." Seryoso niyang sabi. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya dahil sa sinabi niya. I blushed at nag ngiting aso sa harap niya. Pero agad iyon nawala sa sumunod na sinabi niya. "But I can't. I don't think I can love someone again. Nangako ako sa sarili ko na kung hindi siya, wag na lang. Mahal na mahal ko talaga siya and I don't think maibibigay ko pa sa iba yung ganung klaseng pag mamahal."

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko at bumagsak ang balikat ko. "Alam ko naman na mahal mo yung ex mo pero bakit kailangan mong sabihin na hindi ka na mag mamahal ng iba. I mean uso naman ang move on at pwede mo naman gawin yun." I tried convincing him.

He laughed. "Sige, I'll try."

Hinampas ko ng malakas ang table sa harap namin."Lintek! Gawin mo wag mo subukan."

Gulat siyang napatingin sa akin. "Chill. Hindi naman ganun kadaling mag move on. At tsaka bakit ba galit na galit ka? Inaano ba kita?"

'Oo nga, bakit nga ba?' "U-uhm ano, k-kasi naisip ko lang na sayang." Nauutal na sabi ko.

"Sayang ang alin?"

I tried avoiding his gaze. "Y-yung pag kakataon. I mean like what you said kanina, maybe this year or r-right at this moment nasa harap mo na yung right person for you." I blushed. Hindi ko alam kung may sense ang pinagsasabi ko but it's better than having nothing to say.

Nakita ko nangunot ang noon niya but he didn't ask a question dahilan para makahiga ako ng maluwag. Ipinagpatuloy niya ang pag kain at ganun din ang ginawa ko. I know I already told myself not to fall in love with him but it's too late. I already fell and I don't know if I can stop myself for falling deeper. I'll just wait for him to move on and see if we can have the same feelings for each other.

Sorry for the typos and wrong grammars. I'll edit this once na natapos ko na ang story or maybe kapag sinipag.

Under The StarsKde žijí příběhy. Začni objevovat