Chapter 34

42 5 0
                                    

Dalawang buwan ang nakalipas, bukas na gaganapin ang party and my friends are here para sunduin ako sa kast minute shopping. Dito na din sila nananghalian para shopping na lang ang aatupagin mamaya at hindi na kailangan gumastos for lunch.

After that night, everything is normal. Dark was sweet. Very sweet to be exact. When I woke up the next day, naka suot na ako ng damit. He made my breakfast and cooked my lunch. Bago siya umalis, sinabi namin sa family ko na sinagot ko na siya. Pero syempre hindi ko sinabi na may nangyari na agad baka pukpukin ako ng kawali ni mom.

"Excuse lang girls, punta muna ako sa banyo. Tinatawag ako ni mother earth." Kalagitnaan nang pagkain, dali daling tumayo si Carmela at tinakbo ang CR.

"Kadiri ka Carms. Kumakain kami eh." Nakangiwing sigaw ni Chan.

Some of our maids and male staffs are passing by, including Nida na hindi makatingin ng deretso sa akin. Hindi ko na siya sinumbong kay mom dahil after naman ng party, babalik na ang katulong na pinalitan niya pansamantala after that, mawawala na siya sa bahay.

Hindi din katagalan ng natapos kami kumain at bumalik na si Carmela. We immediately left the house para pumunta na sa mall.

Sa byahe, puro lang kami daldalan about our outfits for tomorrow's event. When I got bored sa pinag uusapan, kinuha ko ang phone ko to take a selfie and send it to Dark.

He's not the kind of boyfriend who wants my attention 24/7. Updating him on what I'm doing the whole day is enough. Bonus ko na lang talaga ang pag sesend ng picture.

Papasok pa lang ng mall parang lumundag ang puso ko nang makita ang stall ng DQ at walang pakundangan nilapitan ito. Saktong walang pila kaya hindi ako namroblema kung matatagalan ba ako o hindi.

"Hi, good afternoon. One order of large strawberry banana blizzard please." Nginitian ko si ate na nasa unahan ko.

"Right away maam." She smiled back. Ang cute niya naman parang gusto ko siya bilhan ng cake.

"Girl, kakakain lang natin sa inyo." Kalabit sa akin ni Chan.

"So? I'm craving eh." Inirapan ko siya at sumubo sa binili ko. Yum!

"Lagi ka na lang nag ce-crave. Nung nakaraan you're looking for santol split eh wala namang ganun. Tapos kahapon you want watermelon na isasawsaw sa toyo na may sili." Ally said. "Your cravings are weird. Are you pregnant?"

Her question made me stun. Hindi ko alam kung possible or hindi. We only did it once but we didn't use any protection.

"Alam niyo kung tatambay pa tayo dito, gagabihin na tayo sa pag shoshopping." I told them at nauna na maglakad.

Ang usapan namin mga gagamitin lang for tomorrow ang bibilhin but we end up buying a lot of clothes, pieces of jewelry and shoes. Sunod na pinasok namin ang department store to check on some bags na hindi gaanong mahal. I'm really into handbags right now unlike before na mas prefer ko ang sling bangs or mini backpack. I bought five handbags at iniwan muna ang mga kaibigan para mag libot libot.

I don't know why pero dinala ako ng mga paa ko sa baby section. I look into some of the cribs and newborn clothes. Parang may kung anong humaplos sa puso ko habang tinititigan ang mga gamit para sa baby.

"Altaira." Napatingin ako kay Carmela na nag lalakad papalapit sa akin. "Andyan ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap. Anong ginagawa mo dito."

"Napadaan lang." Sagot ko.

"Can you be honest with me? Are you really pregnant?" She asked.

"I-I don't know." Napayuko ako. "We only did it once."

Under The StarsWhere stories live. Discover now