Chapter 20

49 5 0
                                    

'Someone is watching us from a far. Make sure no one will notice that we  are making a plan. Meet me tomorrow at the restaurant. Wear something na para tayong may kikitaing importanteng tao. I know a place where we can talk and plan freely. Drive on your own and don't bring any driver. Sunugin niyo ito sa sink after reading and make sure no one will know.'

-Altaira

Matapos ko ibigay ang mga sulat kay Dad at Yuan dumeretso ako sa baba. I saw Jassy touring Nida in our house.

"What are you doing?" I asked them.

"Ah miss inililibot ko na po si Nida sa bahay. Paakyat po kami ngayon para ituro ang mga kwarto."

"Ang ganda naman po ng bahay niyo." Nakangiti si Nida habang pinagmamasdan ang bahay. "Sana maranasan ko din na tumira sa ganito kalaking mansyon."

"Kung mag sisipag naman ka naman at magiging madiskarte sa buhay hindi imposibleng maranasan mo din na manirahan sa mansyon. Malay mo ang mansyon na mapapagawa mo ay mas malaki pa dito." Sabi ko.

"Sana nga po magkatotoo."

"Oh siya bilisan niyo na sa pag lilibot. Mag kakaroon ng pool party ngayong gabi para sa pag welcome kay Dark at kay Nida dito sa bahay." Dahil sa sinabi ko nag madali silang umakyat at sinimulan ang pag tuturo sa mga kwarto.

Itinuloy ko ang pag lalakad papunta sa kusina at sinabihan sila na mag handa para sa party mamaya. Tinawag ng mayordoma ang isa sa bagong hardinero at inutusan itong tanggalan ng tuyong dahon ang pool at linisan ang paligid nito. In the middle of the preparation bumaba si mom from the second floor.

"Altaira." Mom called me. "Tomorrow we will fetch you in your restaurant. We will meet some family friend of ours. Kauuwi lang nila galing states eh. Dark will drive for us. He volunteered."

Tumango ako. They knew what to do that's why she's telling me this. "Oh sure, should I wear something elegant?"

"No a simple one will do." Mom smiled at me bago itinuon ang pansin sa mga nag luluto. "Can you cook cordon bleu? I'm craving eh."

"Yes madam." Sagot ng isa sa nag luluto.

"After niyo mag luto mag bihis na kayo at pumunta sa pool area." Mom looked at me. "Ikaw din mag bihis na."

Sinunod ko siya. Umakyat ako patungo sa kwarto at nag suot ng one piece swimsuit at short. Kinuha ko din ang bathrobe ko bago lumabas. When I opened the door mukha ni Dark ang sumalubong sa akin wearing a muscle sando and short.

"What are you doing here." I asked him.

"Nothing." He hold my left hand and kissed it gently. "I just want to check on you."

He let go of my hand leaving a piece of paper pero hindi doon nakatuon ang atensyon ko. He kissed the back of my hand. He just kissed the back of my hand! He jus- oh my gosh! Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kanang kamay dahil sa nararamdaman kong pag iinit ng mukha ko. 

Nang kumalma tinungo ko ang dereksyon papunta sa hagdan only to see Nida looking at me. Ibinulsa ko ang dalawang kamay ko leaving the piece of paper inside the pocket of my bathrobe bago lumapit sa kanya.

"Nida, what are you doing here?" I asked her.

"Pinapatawag na po kayo sa baba." Tumingin siya sa baba. "Nag papatulong po si madam na mag ihaw sa labas. "

"Sige susunod ako. C-cr lang ako biglang sumakit tiyan ko eh."

"Sige po miss, sasabihin ko po sa mommy niyo."

Tumango ako at nag pasalamat bago tumalikod pabalik sa kwarto. Pag pasok ko sa banyo agad kong binasa ang papel na binigay sa akin ni Dark.

'Lock your door and bring the keys with you. Hook it in your shorts para hindi mahulog while swimming.' -Dark.

After reading it kinuha ko ang posporo sa tabi ng scented candle inside my bathroom at sinunog ito sa sink. Nang makitang abo na lang, binuksan ko ang gripo to wash away the burned ashes. Before living the bathroom nag spray ako ng lysol para mawala ang amoy ng pag susunog.

Using a keyring, I hoop my key room sa belt loop ng maong short na suot ko sa harap at ipinasok sa paloob para hindi makita. I saw everyone in the pool. The girls are playing in the pool whille the guys are drinking a beer.

"Miss Altaira tara swimming ka na. Sali ka po sa amin mag hanap ng piso." Jassy invite me.

Tumango ako at hinubad ang bathrobe bago sumali sa kanila na mag hanap ng barya na hinahagis. It's fun. Ganto din ang nilalaro namin ni Yuan noong bata pa kami kasama ang mga anak ng ilan sa maids namin dati.  

"Girls mamaya na kayo mag hanap ng piso." Mom caught our attention. "Come and let's eat dinner."

Mabilis kaming sumunod. Naunang umahon ang mga mas batang kasambahay kasama na dun si Jassy at Nida na parehong naka suot ng spaghetti strap top and maong shorts.

"Hey I like your tattoo. So cute." I told her when I noticed the tattoo at the back of her shoulder.

"Ah, thanks." She look shocked.

"Tara kain na." Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa long table na nakahanda sa gilid ng pool. 

Dark caress my back that made me look at him. "Hi"

Bumalik sa ala ala ko ang ginawa niya kanina. Kahit pa ang intensyon niya ay ibigay lang ang sulat, kinikilig pa din ako."Hi."

"Ok guys, let us all pray first before we eat our dinner." Dad lead the prayer. "Lord God thank you for this wonderful night. Thank you for letting us celebrate this night with a lot of  blessing that you gave us and thank you for allowing us to be together. Amen."

After the prayer we all start eating. Tumingin ako kay Dark at napansin na sobrang onti ng pag kain sa plato niya. Lumapit ako at tinapik ang braso niya.

"Why?" I asked him. 

Kumunot ang noo niya. "Why 'why'?"

"Bakit ang onti ng pag kain mo?" Itinuro ko ang pag kain sa plato niya.

"Nahihiya ako kumuha ng madami."

Tinawanan ko siya bago kumuha ng cordon bleu at carbonara sa lamesa at inilagay sa plato niya. Habang ginagawa ko ito nararamdaman ko ang pag titig niya sa akin pero di ko ito pinansin at pinag patuloy ang ginagawa.

Matapos dagdagan ng pagkain ang plato niya inabot ko ito sa kanya at ngumiti. "There. Eat. Wag ka mahiya parang di sanay samin eh."

Tumawa siya. After we ate tinuloy namin ang kasiyahan. Some of us played a games beer pong, chicken pool fight, some of us are singing karaoke while some are drinking a beer. Nahagip ng paningin ko si Nida na kagagaling lang sa loob ng bahay looking so upset for some reason. She walking towards the other side of the pool pero agad ding tumigil ng tumunog ang cellphone na hawak niya. Tumingin siya sa paligid niya dahilan kung bakit napaiwas ang ng tingin. When she saw everyone are busy, umalis siya at nag tungo ng garden. I was about to follow her but Yuan carried me and throw me at the pool.

"What the hell are your problem bro?" Inis na tanong ko sa natatawa kong kapatid.

"You look so problematic come on sis, have some fun!" Gamit ang water gun binasa niya ako sa mukha kahit basa na talaga. 

Dahil sa inis umahon ako at inagaw ang water gun na hawak ni Mia, isa sa kasambahay, at mabilis na hinabol at binasa si Yuan. Nakisali na din si Dark pati ang mga magulang ko sa habulan. Because of that nakalimutan ko na dapat ko nga palang susundan si Nida.

Past 12 when we all decided to sleep. Pagod na binagsak ko ang katawan sa higaan matapos mag linis ng katawan. Dahil sa pagod mabilis akong dinalaw ng antok.

Under The StarsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ