Hindi na ako nagsuklay at inipit na 'yon ng pa-bun.

Kinuha ko naman ang cellphone sa ibabaw ng kama at nakita kong sunod sunod pa rin ang chat ni Eris sa'kin.

I got 21 text messages also and 2 missed calls.

Hindi ko alam kung bakit inignore ko lang 'yon at mas piniling pindutin ang chat head ni Maddy.

"Puntahan mo ko rito sa condo. ASAP Maddy, I need you."

Pagkasend ko n'on. Muli kong ipinatong sa kama ang cellphone. Pinatay ko rin ang Wi-Fi bago bumaba ng kwarto.

Nang makarating sa salas, binuksan ko ang ilaw sa buong silid dahil wala si Mama.

Office time n'ya ngayon at mamaya pang 7 PM ang balik n'ya.

Nagtungo ako sa kusina upang tignan kung ano ang nilutong ulam. May pritong itlog at ham doon.

Kumuha lang ako ng mangkok at isang pirasong ham bago ako naupo sa lamesa.

Mabilis lang akong kumain dahil pakiramdam ko, buong araw akong mawawalan ng gana sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain at hugasan ang pinagkainan, lumakad ako papunta sa sofa at inabot ang remote.

I opened the television and find a movie while waiting for Maddy. Alas dyis na at mukhang marami ng palabas ngayon.

Ngunit nakailang beses na akong lumipat nang lumipat ng channel pero wala pa rin akong makitang magandang palabas.

Hindi ko alam kung bakit pati paglipat ng channel ay kinaiinisan ko.

Ilang sandali pa, narinig kong may kumatok sa pinto kaya naman dali dali akong nagtungo roon.

Kumatok na naman ito kaya mas binilisan ko ang lakad.

"Sandali lang!" Sigaw ko.

Tamad kong pinihit ang door knob at inis na hinarap si Maddy.

"Hindi ka ba makapaghintay at--"

Napatigil ako sa pagsasalita at pinanlakihan ng mata nang hindi si Maddy ang nakatayo sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"Gulat ka?" Tumawa s'ya at kaagad na pumasok sa loob ng condo.

Inis ko naman s'yang tinignan at sinundan papunta sa sofa.

"Umalis ka na nga. Si Maddy ang pinapapunta ko, hindi ikaw!" Inis kong sigaw kay Matt nang umupo s'ya sa inuupuan ko kanina at kinuha ang remote.

Nagfeeling at home pa ito dahil itinaas ang paa sa couch.

"Hindi makakapunta 'yung kapatid ko. Isinama ni Mom sa Batanes and she asked me to be her proxy..." Paliwanag ni Matt.

Napabuntong hininga naman ako at kasalukuyan pa ring nakatayo.

"Labas." Itinuro ko pa ang pinto sa kan'ya.

Hindi naman n'ya ako pinansin, he just give me a grin and change the channel.

"Nope," he uttered and tapped the chair. "Tabihan mo ko rito."

Inis ko s'yang tinignan at naupo gaya ng sinabi n'ya.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha n'ya bago umayos ng upo.

"Share me your problem, handa akong problemahin yung problema mo. Ano ba 'yon?" He asked with a serious face and put down the remote in the glass table.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now