Chapter Thirty

1.7K 120 24
                                    

a/n: this is the last chapter. thank you for putting up with me and with my story. Godbless you all. lovelots.

***

ATHENA'S POV

"What, Athena? Surprised?" patuyang sinabi ni Ara nang makita akong halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Luigi sa braso. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Medyo sumisilip na ang araw upang bigyan ng liwanag ang buong lugar. I gasped for more air as I glared at Ara. Nasa limampu yata ang kasama niya ngayon.

Damn. Hindi ba sila nauubos?

"How much time do we still have?" I whispered to Luigi.

"An hour."

I swallowed hard. Sumagi sa isip ko sina Asher na pumunta para kalabanin si Augustus. Sana maging okay sila. Please, make them safe.

"Since I assumed that you are going to activate your Restraining Control, we prepared ourselves for fighting against you without our CA." Ngumisi si Ara. She signaled something to her men. Nilabas naman kaagad nila ang halos iba't ibang klase ng weapons at itinutok sa amin. I gritted my teeth. "Two against fifty three, Athena. Ito ba ang gusto mong mangyari sa inyo?"

"Why are you doing this? Kapatid kita!" asik ko.

Mabilis na nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"You are still my mother's child! At hindi mo man lang siya nirespeto? Umanib ka pa sa lalaking nangbaboy sa kaniya!?"

"Shut up!" Her voice is full of venom. "Kung siya na lang din, mas mabuting wala na lang akong kilalaning ina."

"How dare you!"

Susugurin ko na sana siya kung hindi lang ako pinigilan ni Luigi. Bumilis ang paghinga ko dahil sa nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko. It is all because of my anger! How dare her say that to my mom!

"Athena... calm down," masuyong sinabi ni Luigi, pinapakalma ako.

I bit my lower lip.

"Do you know the feeling of being unwanted, Athena? Iyong hindi ka naman gumagawa ng mali pero ikaw pa rin ang sinisisi?" malamig na sambi ni Ara. "Of course not, right? Because they wanted you. They loved you!" she screamed. "How about me? Alam mo ba kung gaano kasakit sa pakiramdam ang ipamigay na lamang sa kung sino sino dahil lang sa bunga ako ng isang kasalanan?"

Umawang ang labi ko. Natulala ako sa kaniya lalo na nang marinig ang panginginig ng boses niya.

"They didn't even give me the chance to prove myself! Basta basta na lang ako pinamigay at... inalis sa buhay nila!" She trailed off. "Kaya wala kang karapatan na sabihin ang mga iyan sa akin dahil hindi mo alam ang pakiramdam ko! So you shut your mouth up!"

"Pero sila pa rin ang--"

She cut my statement off. "Tanggap ako rito, Athena. Kahit sino at ano pa ako, tinanggap nila ako rito! Bagay na hindi man lang nagawa sa akin ng sarili kong ina!"

"But they are turning you into a monster! See?" turo ko sa kaniya. "Ito ba ang gusto mo? Ang pumatay para lang sa kanila dahil... tinanggap ka nila?"

Perigo UniversityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz