Chapter Twenty Four

1.8K 121 6
                                    

Nagpatuloy ang masaya naming selebrasyon. Lumalalim na ang gabi pero matataas pa rin ang energy ng mga kasama ko. Kanina pa rin umalis si Ashley dahil pinapasok na ni Asher at pinatulog. Gusto ko sanang panatilihin muna si Ashley dito pero iginiit ng butihing kuya na kailangan nang matulog ng kanyang pasaway na kapatid. I frowned because of that thought.

They also prepared drinks. Umiinom naman ako noon pero hindi masyadong marami. I have low tolerance. Madali akong malasing.

"What about a game?" maligayang sinabi ni Sapphire sa amin.

Kumunot ang noo ko. "What game?"

"How about a 'Never had I ever' tapos kapag guilty, one shot?"

"That's corny," iling ni Luigi.

Sapphire sneered. "Mas corny 'yong kanta mo kanina."

Kita ko ang mabilis na pagdilim ng mukha ni Luigi. He frowned at Sapphire. "Ah, talaga?" iritable niyang sinabi.

Humalakhak ako. Hindi naman corny ang kanta ni Luigi but... oh well, he is just grumpy. Tipsy na yata itong isang ito, e.

"Fine. Let's do that game," ani Hiro.

Nagkibit balikat lamang si Asher at sumang-ayon na rin. Pumalakpak si Sapphire at para siyang uod na binudburan ng asin dahil sa sobrang excitement niya.

She pointed me. "Ikaw muna, Athena!"

My brows furrowed. "What?"

Anong gagawin ba?

She rolled her eyes at me. "Never had I ever, duh?"

Umismid ako. Malay ko ba? I crossed my arms as I think of something. Ano bang pwede? Never had I ever... hmm.

Pumitik ako nang may maisip. "Never had I ever kept awake for 48 hours."

Hindi ako kumuha ng inumin. Kahit naman minsan nagpupuyat ako, hindi ko pa rin kayang hindi matulog for two days straight! That's illegal for me, you know.

Nanliit ang mga mata ko nang sabay na kumuha sina Luigi at Hiro ng shot at walang alinlangang nilagok iyon. Hindi makapaniwala ko silang tinignan. Hindi nga? Kaya nila?

Nagkibit balikat si Sapphire. "Well, missions..." aniya at kumuha na rin ng isa pang shot.

Oh, missions. Hindi ba sila nakakatulog kapag may missions sila noon? Nilingon ko si Asher. He raised his brow at me before he stretched his arm to get a shot. Matalim ko siyang tinitigan.

That's unhealthy!

"Well, Athena..." he mocked the way Sapphire said it earlier. Parang sinasabi na ako ang dahilan ng hindi niya pagtulog sa dalawang araw na iyon!

Siniko ko siya. "Anong ako? Ako pa talaga ang sinisi mo?"

Ngumisi siya sa akin bago nilagok ang shot na kinuha niya. Nanatili ang matalim kong titig.

"You don't know your effect on me so shut up," bulong niya, tanging kaming dalawa lamang ang nakaririnig.

Mabilis na uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tinikom ko ang bibig ko. Hindi na nga lang ako magsasalita!

"Never had I ever kissed someone on the lips," si Hiro iyon.

Umirap ako. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko kaya yumuko ako. The hell, I will never get a shot! I never really kissed someone! Si Asher ang...

Oh my God. Pumikit ako nang mariin dahil parang nagsumiksik sa utak ko ang halikan namin ni Asher noong Ball at noong nakaraan sa puntod ng mga magulang niya. I uttered a curse.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now