Chapter Twelve

2.7K 144 5
                                    

Mabilis na lumipas ang isa pang buwan. I still am a Create Faction Member. Uma-attend pa rin ako sa mga klase nila maliban na lamang sa Physical at Control Ability training dahil umaalis ako kapag iyon na ang gagawin. Asher doesn't mind it, though. Pumupunta ako sa training room ng Alpha Team at nakikisali sa mga pagsasanay nila tuwing nakatatakas ako sa klase.

Asher is already cool with it. Pinayagan niya na ako at kahit hindi siya papayag ay pupunta pa rin naman ako rito.

"Mas gusto ko nang alam ko kahit ayaw ko, kaysa naman ayaw ko na nga tapos wala rin akong alam." That was his exact words when we talked about it.

Ang sabi niya ay matutulungan naman ako nina Hiro, we just need to be careful with our actions dahil pare-parehas naming ayaw na makarating ito sa council. We don't want them to know about my existence and my Control Ability. Ayaw ko dahil ayokong gamitin nila ako para lang sa mga makasarili nilang balak. Just like Asher, I refused to be under them. I'm not a killer and I will never be.

Hindi ko na sinabi ito kina Hiro dahil alam ko namang iba ang stand nila tungkol dito. They are working under the council. They are still accepting missions. Gusto ko silang pigilan pero mas nangibabaw ang pagrespeto ko sa mga desisyon nila. Surely, they know what they are doing. Sana nga lang ay ginagawa nila kung ano ang sa tingin nilang tama, hindi kung ano lang na makapagpapalugod sa council.

"You're holding it the wrong way, Athena."

Matalim kong tinitigan si Hiro na pinagtaasan lamang ako ng kilay. Pumwesto siya sa likuran ko at hinawakan ang magkabila kong kamay para ayusin ang pagkakahawak ko sa baril. He's now teaching me how to hold and fire guns. Physical training ng Create Faction ngayon kaya naman umalis na ako at pumuslit para makapunta sa kanila.

Sa malayong gilid ng silid ay kita ko sina Luigi at Sapphire na pare-parehas na abala sa pakikipaglaban. Nagpalabas kasi si Sapphire ng dalawang nilalang galing sa ibang dimensyon at iyon ang kinakalaban nila ngayon. Sapphire has the Illusion and Dimensional Control. Bukod sa kaya niyang gumawa ng mga ilusyon o hallucinations, kaya rin niyang maglabas at magpasok ng tao galing sa ibang dimensyon.

Sumasama pa rin naman siya sa akin sa Create bilang Megan. Naiilang lang talaga ako minsan dahil hindi pa rin ako sanay na iisa lang sila. Damn... I didn't expect that. Hindi ko alam na may kakayahan pala si Sapphire na magpalit ng kaanyuan. She's creepy.

"Now, shoot," ani Hiro nang hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay kong nakahawak naman sa baril.

Kinalabit ko ang gatilyo ng baril at tumama ito sa mismong gitna ng target. Bull's eye! Ang galing! Tumingin ako kay Hiro na nasa ganoong pa ring posisyon. He smiled at me.

"Always point your supporting hand's thumb forward, Athena. Your supporting hand should also be placed on the grip as high as possible," sambit niyaa habang hinahawakan ang kaliwang kamay ko at nilalagay sa tamang pwesto.

Tinitigan ko kung paano niya ilagay iyon. Tatandaan ko ito. Para sa susunod na gagawin ko ay alam ko na. I wouldn't need anyone's help after this. Gusto ko rin kasing matuto ng sarili ko lang. Ayokong masyadong kunin ang oras ni Hiro para sa pagtuturo sa akin na dapat ay ginagamit niya sa pagti-train.

"The supporting hand should get the majority of the tension so it can help control recoil," he added. "Your dominant hand, or the shooting hand, should stay more relaxed so it can concentrate more on the trigger control."

Tumango ako. Naalala ko iyong sinabi ni Luigi kanina bago siya palitan ni Hiro sa pagtuturo sa akin. Ang sabi niya, the ratio should always be 70:30 when it comes to squeezing intensity. Seventy percent on the supporting hand while thirty percent on the dominant hand.

Perigo UniversityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang