Chapter Six

2.9K 181 19
                                    

Lumipas ang mga araw, naging mas pamilyar na ako sa buong University. Palagi ko pa ring kasama si Megan kaya naman nasasanay na rin ako sa presensya niya. Si Asher naman ay ganon pa rin, palagi pa rin siyang nagsusungit pero iniintindi ko na lang dahil leader namin siya.

Paminsan minsan ay nakakasalubong ko si Hiro at si Luigi. Palagi'y nakaismid sa akin si Luigi at tanging si Hiro lamang ang kumakaway. Hindi ko nga alam kung anong problema ng lalaking iyon sa akin, para namang may ginawa akong masama sa kanya kung makatingin.

Ang ipinagtataka ko lang, simula noong araw ng enrollment ay hindi ko na ulit nakita si Sapphire. Where did she go? Hindi ba ay kasama siya sa Alpha Team? Bakit hindi ko siya napapansin na kasama nina Hiro? That's weird.

Ilang gabi ring bumabagabag sa akin ang tungkol sa pagkakagulo ng ibang faction. Lagi akong nangangamba na baka kagaya ng sinabi ni Grayzelle ay may mangyari na ngang digmaan. I always hate violence, you know. I will never agree on that. Kaya naman kapag matutulog ako ay kadalasang kinakabahan ako dahil iniisip kong baka kinabukasan ay may masamang mangyayari.

Malakas na umihip ang hangin sa rooftop ng isa sa mga building dito sa University. I ditched my last subject  today. It's our Control Ability Training and I don't  want to attend it. Well, it's understandable since up until now, my CA is still a mystery to me. I still don't know what kind of Control do I have.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip, meron ba talaga ako no'n? O sadyang ganito lang talaga ako? Baka naman normal lang talaga ako at nagkaroon lang ng aberya sa portal kaya ako pinayagang makarating dito. And my mark? Baka naman coincidence lang?

Hindi ko maiwasang hindi mag-overthink. Magdadalawang linggo na ako sa University na ito pero wala pa ring progress sa akin. I sighed. I can't help but to miss my old life.

The Sun is already setting down. Tanaw ko mula rito sa itaas ang iba't ibang building sa paligid pati na rin ang masukal na bahagi ng University. This is my favorite place so far. Bukod kasi sa tahimik ay nakagagaan sa loob ang tanawin sa ibaba.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang mga estudyante sa ibaba. Karamihan sa kanila ay grupo grupo, malalakas ang boses nila at rinig ko mula rito ang mga tawanan. Naisip ko tuloy, masaya bang magkaroon ng kaibigan? Bakit sila natutuwa kapag nagkikita-kita sila? Anong meron sa pagkakaroon ng maraming kaibigan?

I grew up thinking that friends are just villains. That they will just pull you down. Magiging kahinaan mo sila na pupwedeng gamitin laban sa iyo ng mga makakaaway mo. Wala akong naging kaibigan noon sa mga paaralang napasukan ko pero marami akong nakakaaway. I'm not a saint. Alam kong may kagaspangan rin ang ugali ko pero nirereflect ko lang naman ang ugaling pinapakita sa akin ng mga tao sa paligid. At dahil nga wala akong kaibigan, walang ibang pupwedeng bawian ang mga nakakaaway ko kung hindi ako lang. And I think that's on my advantage. Wala na akong ibang iisipin pa kung hindi ang sarili ko. Wala akong ibang aalalahanin.

Kaya naman hindi ko maisip kung bakit masaya ang iba kapag may kaibigan sila? For me friends will just teach you how to be dependent. Hindi ka mag-g-grow mag-isa dahil lagi mong maiisip na nandiyan naman sila palagi para saluhin ka. I hate it. Ayoko sa lahat ay iyong nakadepende ako sa ibang tao. I'm self-reliant and independent. Kaya siguro ay hindi ko na iniisip pang magkaroon ng mga kaibigan o ng kahit na sinong magiging malapit sa akin.

"A penny for your thoughts?"

Marahas akong lumingon sa likod nang may biglang nagsalita. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

I glared at Asher. "Akala ko naman kung sino!" singhal ko sa kanya.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at pumunta sa gilid ko. Sumandal siya sa railings at tinanaw rin ang mga estudyanteng masayang naglalabasan mula sa kani-kanilang klase. Kaya siguro nandito na rin ang isang ito.

Perigo UniversityOnde histórias criam vida. Descubra agora