Chapter Eleven

2.3K 128 11
                                    

Malakas na umihip ang hangin sa itaas ng burol. It's already eleven in the morning but it's not that hot. Natatabunan ng mga ulap ang sinag ng araw. Inayos ko ang upo ko at sumandal sa katawan ng puno. Kahit na hindi naman ganoon kainit, Asher insisted that we should go under the shade of this tree.

I heard Asher sighed as he sit beside me. Napalunok ako. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil kinakabahan ako.

"I'm sorry..." His voice is full of sincerity and concern.

Noon, tingin ko ay parang walang kwenta kapag nagso-sorry sa'yo ang isang tao. The damage has been done and it can't change anything that has happened. Kaya bakit pa magso-sorry kung wala rin namang magagawa iyon?

Kahit natapos na ang pag-aaway o ang ginawang mali, people will always feel the same pain, anger, rage, and fear.

But then again, this scenario gave me another lesson and perspective in life.

Saying sorry can ease the pain you're feeling. Saying sorry makes us feel better. Kahit isang salita lang iyon, kaya nitong pagaanin ang loob mo. Kaya nitong tanggalin ang pangamba sa puso mo. Also... That single word comes with the responsibility of not doing the same mistake again. Sa totoo lang, napakahirap sabihin ang salitang iyon. If you say sorry, it means you're now admitting your mistake. Sa panahon ngayon ay parang kayhirap nang aminin at ibaba ang pride mo para lang sabihin iyon.

Kaya, sino ba naman ako para magtanim ng sama ng loob, hindi ba?

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "May kasalanan din naman ako. I'm sorry too," I said sincerely.

Umiling siya sa akin, parang hindi tinatanggap na may kasalanan din ako sa mga nangyari.

"I understand you. Sorry dahil pinaalis kita kanina sa classroom. I didn't mean to say those words to you. I'm just... mad." He sighed again as he stared at me.

"At me?"

"At myself." He smiled weakly. "I'm sorry kasi naiipit ka sa amin. I was just pissed... You know, I'm always ready to help you. Pero mas pinili mong lumapit sa kanila at balewalain ako."

Parang dinikdik ang puso ko dahil sa sinabi niya. Bakas doon na talagang nasaktan siya. Pilit niya mang hindi pinapakita ay nahahalata ko pa rin.

"I'm also sorry for keeping you the truth. Hindi man ako nagsinungaling, hindi ko rin naman sinabi sayo kung ano ang totoo kaya tingin ko may kasalanan pa rin ako," he added.

I smiled at him. Tingin ko ay gumaan ang loob ko dahil sa simple niyang paghingi ng tawad. This is the power of that single word. Parang nakalimutan ko na lahat ng galit ko sa kanya kanina. Tingin ko ay parang may nawalang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Forgiven, Mr. Faction leader. Baka mamaya'y umiyak ka pa riyan, ha?" biro ko para naman gumaan ang atmosphere sa paligid.

Ngumisi siya sa akin at pabiro pa akong sinamaan ng tingin.

"Well, that was fast. Akala ko ay magrarant ka pa sa akin ng walang katapusan bago mo sabihin iyan. No one can really resist my regretful voice, huh?" mayabang niyang sinabi.

Ako naman ngayon ang sinamaan siya ng tingin. "E kung hindi kaya kita patawarin at hayaang mabulok dito hanggang bukas?" untag ko sa kaniya.

"Makakaya mo iyon, Athena? Makakaya mo akong tiisin ng ganoon?" Ngumuso siya at parang asong nagpapacute sa akin.

Humagalpak ako sa tawa. Ang sagwa! Hindi niya bagay. Oh, Asher. This should be the last! Baka sakaling mawalan ng respesto sa iyo ang members mo kapag nakita ka nilang ganyan!

Mas lalo lang akong natawa sa mga naiisip.

"Now you're laughing at me? Damn, girl." Nangingiti na rin siya habang tinitigan pa rin akong utas sa katatawa.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now