Chapter Twenty Nine

1.8K 114 14
                                    

"Louie, you need to secure Athena's safety. You should get her out of the palace now," Hiro's voice is full of conviction.

Nilingon ko siya. "I want to help, Hiro..." halos pagmamakaawa na iyon.

I am tired of being a damsel in distress of this story. Lagi na lang ako ang nangangailangan ng tulong. Lagi na lang ako ang inililigtas. I want to protect my self too. I want them to know that I can stand on my own feet now.

Hiro pursed his lips and glanced at Asher. Tinitigan naman ako ni Asher sa mga mata. Ilang saglit kaming nagkatitigan bago siya bumuntong hininga.

"Sa baba kayo ni Luigi. Clear the area," aniya.

Tumango ako. "How about Sapphire?"

"Si Sapphire ang bahala rito sa palapag na ito. At kami ni Asher..." Hiro looked at Asher and smirked. "Ang haharap kay Augustus."

My heart pounded because of that. Kinakabahan ako para sa kanilang dalawa. Sila ang lalaban kay Augustus na isa ring Alpha. We still doesn't know his Control Ability. Sa lahat ay siya ang pinakamahirap kuhanan ng impormasyon.

Nahagip ako ng mga mata ni Asher. He recognized the concern and worry in my eyes. Hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti.

"Pagkatapos nito ay wala nang magiging ibang panganib sa buhay mo. We will end it now," marahan niyang sinabi.

Tumango ako at tumitig sa kaniya.

"We need to be out of this palace before the explosion at exactly six in the morning. We still have two hours left," kalmanteng sinabi ni Luigi.

"Now go. Magkita kita tayo sa labas pagkatapos ng dalawang oras."

Sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Hiro. Saglit ko pa silang tinitigan isa isa bago ako tuluyang hatakin ni Luigi pababa. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tahimik na magdasal para sa kaligtasan naming lahat.

Sana nga.

Sana nga ay dito na matapos ito.

Tinahak namin ni Luigi ang hagdanan papunta sa first floor. Doon ko nakita ang magulong paligid. Maraming nagtatakbuhan at ilang mahihinang pagsabog ang naririnig ko.

"Athena, duck!"

Agad akong yumuko at umiwas sa bumubulusok na lightning blades papunta sa amin. Tumama ito sa pader sa likuran namin. It created a loud explosion.

Luigi uttered a curse. Itinaas niya ang kaniyang kamay at nagsimula na ring umatake. Tatlong magkakasunod na kutsilyo ang bumulusok papunta sa gitna namin kaya agad akong umilag. Nagsunod sunod ang pag-atakeng iyon hanggang sa tuluyan na akong mapalayo sa nakikipaglaban na ring si Luigi.

Then a woman suddenly strode towards me. Ang mga matutulis na gawa sa metal ay lumulutang sa paligid niya at nakaharap sa akin. Before she could ever attacked using it, I already activated my Control. Hindi ko alam kung hanggang saan ang sakop niyon pero batid kong halos kalahati ng nandito ay pansamantalang nawalan ng kapangyarihan.

Ang mga metal na lumulutang ay pabalyang nabagsak sa kinatatayuan ng babae. It created a loud thud. Muli siyang sumugod sa akin at pinaulanan ako ng magkakasunod na suntok.

Umiwas ako at sinubukang hulihin ang kamay niya. Pinilipit ko iyon at malakas siyang tinuhod sa tiyan. I also hit her on her face. Tinulak ko siya at mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ng mga bumagsak na metal at kumuha roon ng kutsilyo. She tried to get one too but I didn't let her. Naging sunod sunod ang pag-atake ko sa kaniya gamit ang kutsilyo kaya naging mas limitado ang mga galaw niya. Paatras na siya nang paatras hanggang sa napasandal siya sa isang pader.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now