Chapter Twenty Two

1.8K 141 21
                                    

Tawanan at kwentuhan ang nangyari sa pagitan namin ni Sapphire pagkatapos. Nagtagal kami ng higit isang oras sa labas dahil sa dami ng pinag-uusapan. Kaya naman nagulat kami nang makita naming papalabas na ng gate sina Ashley at Manang.

"You're going now, Ashley?" masayang tanong ko sa kaniya.

Magarbong siyang tumango at kumaway. "Yes, Ate! Ikukwento kita sa kanila!"

I chuckled. Kumaway din ako sa kaniya hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin namin.

"They didn't bring a car? Hindi ba't malayo ang sementeryo rito?" nagtatakang tanong ko kay Sapphire nang mapansin iyon.

"Asher buried them in a cliff. Malapit lang dito."

I nodded. Now that she mentioned it, I suddenly wonder if they also visit Asher's parents? Silang lahat?

Siguro. Siguro'y parati. Kaya niya alam kung saan nakalibing.

Huminga ako nang malalim. I want to visit Auntie's grave too. Dalawang beses pa lang akong nakabibisita sa kaniya. Gusto ko rin sanang bisitahin ang libingan ng mga magulang ko pero nang tinanong ko kay Hiro iyon ay hindi niya raw alam. I sighed heavily. Hinala ko ay hindi rin sa sementeryo ng Minde sila inilibing. Kung ganoon, saan?

"Saph..." Nilingon ko siya.

Tinaas niya ang kilay niya. "Hmm?"

"Alam niyo ba kung saan kami nakatira noon?"

Umawang ang labi niya, tila nagulat dahil sa tanong ko. I smiled at her weakly. Saglit siyang nag-isip bago tuluyang umiling. "Hindi, eh. Hindi ganoon karami ang impormasyong nakalap namin tungkol doon."

Tumango ako. I expected that. Naalala ko ang itsura ng bahay namin pero hindi ko alam kung saan ba iyon. Ang alam ko lang, maraming puno sa likuran ng bahay namin. Parang mumunting forest. Kaya nga roon ako naglalagi noon para mamana, e. Gustong gusto ko ng mga prutas.

Namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto. Right!

"Pasok na tayo, Saph. I need to talk to Asher," anyaya ko.

Si Asher. Naalala niya pa kaya ang tungkol sa nangyari noon? Kung sakali'y maituturo niya sa akin kung saan ang lugar na pinagkitaan namin! Kung saan niya ako pinagnakawan ng mansanas. I almost facepalmed because of that thought.

Magnanakaw ng mansanas, eh?

But if he ever happens to remember that, matutulungan niya ako! Sa likod lang iyon ng bahay namin at siguro'y kapag nakapunta ako roon ay maging trigger iyon sa mga nawawala ko pang alaala.

Right!

"Uh, where are they?"

Kumunot ang noo ko at pinasadahan ng tingin ang buong paligid nang tuluyan kaming makapasok sa bahay. There's no one here. Saan na naman kaya nagpunta ang mga iyon? 'Wag nilang sabihing umalis sila ng hindi nagpapaalam sa amin!?

Well, that's impossible.

"Baka nasa likod?" alinlangan kong sagot.

"Right. Let's go there and check," ani Sapphire sabay hila niya sa akin papunta sa loob.

Pumunta kami sa kusina dahil mayroong pintuan doon papunta sa likurang bahagi ng bahay nila Asher. I can't help but to notice how familiar she is here. Parang sanay na sanay na siya rito.

Nang makarating kami sa likuran ay agad kong nilibot ang paningin ko. Malinis at napalilibutan ito ng ilang coconut tree.

"They are not here too," deklara ko.

Binitawan ni Sapphire ang hawak sa akin. "Tingnan mo..." turo niya sa malayong dako.

Ang matikas na likuran ng isang lalaki ang agad kong namataan doon. Sa paraan pa lang ng pagtayo ay nakilala ko na kaagad kahit pa may kalayuan. Nakapamaywang siya at nakatingala sa isang coconut tree.

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now