Chapter Two

4.2K 259 27
                                    

Padabog akong bumangon sa kama dahil sa sobrang pagkainis. I glanced at the wall clock only to find out that it's already two in the morning! I can't sleep! Sino ba naman ang makakatulog sa sitwasyon ko ngayon? My mind can't still absorb everything!

After eating breakfast, Ashley can't stop throwing so many questions. Pumunta kami sa kwarto niya at doon ko sinagot lahat ng mga katanungan niya, at wala siyang ibang naging reaksyon kung hindi pagkamangha. Doon na rin ako kumain ng lunch dahil ayaw niya pang bumaba dahil gusto niya pa daw kaming magkwentuhan. I just gave her that in exchange of her kindness towards a stranger like me.

Nang kinagabihan ay pinilit niya akong doon na lang din matulog pero mariin na akong tumanggi. Hindi ako sanay ng may katabi matulog. Kahit noon pa man, lagi akong may sariling kwarto. Gusto rin naman ni Auntie na bumukod ng kwarto sa'kin.

Napabuntong hininga ako ng maisip ko siya.

Auntie. Ano na kayang nangyari sa kanya? Is she okay?

Sinuot ko ang tsinelas at dahan dahang naglakad papalabas sa guestroom nila. I think I need fresh air. Tahimik lamang akong bumaba at pumunta sa pintuan para makalabas. Bumungad agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napabuntong hininga ako at nagsimula ng maglakad papunta sa isang bench.

Sa halip na umupo dito, sa lupa ako naupo at isinandal ang ulo ko sa bench sa likuran ko. I looked at the moon above me. I always love the night sky. It always give me hope.

A hope that no matter how cold and dark a night could be, there will always be the moon, which is willing to shine us up.

Hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang sarili ko sa buwan. Just like the moon, I am also fighting against the darkness of my life. Ang kaibahan nga lang, may katulong ang buwan dahil nandiyan ang mga butuin. Ako, wala akong ibang makakapitan kung hindi ang sarili ko.

"If you're ever feeling lonely, just look at the moon. Someone, somewhere, is looking at it too." I whispered. That's a quote from a book na nabasa ko noon. Tama nga kaya? Siguro naman, sa kabilang dako ng lugar na ito, may isang tao pa ring katulad kong di makatulog at nakatingin sa buwan.

I sighed heavily. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi na sana ako umalis noon. Hindi ko na sana iniwan si Auntie. Edi sana'y hindi ako nahihirapan ngayon. Sana'y di ako naguguluhan ng ganito ngayon.

Agad akong napaayos ng upo ng may biglang umupo sa lupa sa tabi ko. I glanced at Asher. Gaya ko ay inihilig niya din sa bench ang ulo niya at tumingin sa kalangitan.

"Can't sleep?" His voice is so husky, tila kagigising lang.

"May... iniisip lang," Sambit ko at muling itinuon sa itaas ang paningin ko.

Hindi na siya muling nagsalita kaya muli kong ibinaling sa kanya ang paningin ko. Ang matangos na ilong at perpektong panga ay mas lalong nadepina dahil nakaside view siya sa akin. The moonlight is now reflecting on his eyes.

I sighed. "I envy the moon," wala sa sarili kong sinabi.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Lumambot ito at naging maamo. Sa kabila nito, hindi pa din siya nagabalang tapunan ako ng kaunting tingin.

"Tell me about it." Aniya.

"It's so brave. Kahit na anong dilim, it can still manage to shine." I said meaningfully as I glanced at the moon. "Kahit kailan ay hindi ito nagpatinag sa dilim ng gabi."

He remained silent so I took that as a chance to continue.

"Hindi ba't sobrang galing? Sobrang nakakamangha. Yung tipong kahit na anong dilim ng gabi, andiyan pa din siya. Kahit kailan ay hindi siya nawala at hindi napagod lumaban." I added.

Perigo UniversityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum