Chapter Eight

2.7K 160 29
                                    

Buntong-hininga hininga ako at pinagpatuloy ang paglalaro sa pagkaing nasa harapan ko. We're on the dining hall of this University. It's already lunch time but I'm still not hungry. Kasama ko si Megan sa harapan ko na patuloy lang sa pagkain. Muli akong bumuntong hininga.

"Will you please stop sighing, Athena? Saka bakit ba hindi ka kumakain diyan? Alam mo bang marami nagugutom dito sa Minde tapos ikaw sinasayang mo lang ang pagkain?" Tinaasan ako ng kilay ni Megan.

Sumimangot ako. "Bakit? Kapag ba kinain ko 'to, mabubusog din sila?" I said sarcastically.

Napailing siya sa sagot ko at nagpatuloy na lamang sa pagkain. I sighed again. Wala akong ganang kumain at wala ring pumasok sa utak ko sa dalawang oras na discussion kanina.

Napalingon ako sa entrance nang makitang pumasok sa Hall sina Luigi at Hiro. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang natahimik nang dumating ang dalawa. Lahat ay nasa kanila na ang atensyon. Nakita kong luminga-linga sa paligid si Hiro at nang mamataan ako ay kita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya.

He smiled at me so I smiled back. Luigi scoffed at me, though. I rolled my eyes at him. Meh, hindi ko talaga maisip na magiging close ako riyan sa Luiging iyan.

Buti na lang at saglit lang ang dalawa sa hall at maya maya'y naglakad na rin paalis. Mukhang may dinaanan lang dito. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila at muling pinagbuntungan ang pagkain sa harapan ko.

Nasaan na naman kaya si Sapphire? Hindi na naman nila kasama?

I looked at Megan. She's now staring at Luigi and Hiro. Napabuntong hininga na naman ako at sumubo na lamang sa pagkain. I need to eat, right? Baka mamaya pa ako magutom kung kailan nasa klase na.

"Megan..." agaw pansin ko sa babaeng nasa harapan ko.

Inalis niya ang tingin kina Hiro at nilingon ako. "Hmm?"

Pinakatitigan ko siya. Hindi niya na muli akong tinanong tungkol sa marka sa palapulsuhan ko kaya naman nagtataka ako. She's now back to her normal self. Parang wala na sa kaniya ang nakita niya noong nakaraan.

"Have you seen Asher?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. I sighed.

Dalawang linggo. Dalawang linggo na simula noong gabing iyon. Dalawang linggo na rin noong nagsimula akong makipagkita sa Alpha Team para matulungan nila akong malaman kung anong Control ko.

Pero sa loob ng dalawang linggong iyon, hindi ko na nakita pa si Asher. That's weird, right? I mean, he's not that kind of a leader that will just leave his members without telling them! Saan naman ba kasi nagpunta iyon? Bakit hindi man lang nagpasabi na mawawala siya? Wala talagang modo!

Pati ang physical and control ability training namin ay hindi na siya ang nagtuturo. Si Ethan na ang nagtuturo sa amin. Sabi nila ay siya iyong nagrank two sa buong Create last year. Eighteen years old pa lang siya. He's probably the right hand of our leader. Sabi rin nila ay baka siya nga ang pumalit kay Asher pag grumaduate na ito.

"Saan na naman ba nagpunta ang lalaking iyon?" I spat.

Megan shrugged her shoulders. "Ganoon naman talaga siya. Palaging nawawala nang wala man lang paalam. That's just normal for him." aniya.

"How did you know that? Hindi ba't transferee ka din dito tulad ko?" Kumunot ang noo ko sa kanya.

Napaubo-ubo siya sa kinakain niya kaya mabilis ko siyang inabutan ng tubig. She immediately drink the water before smiling at me. Her face is turning reddish, though.

"Iyon ang sabi sa akin ng ibang members," hilaw siyang ngumisi sa akin.

Ngumuso ako. "Bakit naman daw siya bigla-biglang nawawala? I thought he's a responsible leader. Bakit ngayon, wala siya? Dalawang linggo na, ah!"

Perigo UniversityWhere stories live. Discover now