Chapter Sixteen

2.2K 136 15
                                    

SAPPHIRE'S POV

"Will you two stop that? Ako ang nahihilo sa inyong dalawa!" I said irritatingly to both Louie and Hiro.

Paano ba naman? Kanina pa pabalik balik na naglalakad itong dalawa! They are so nervous!

I took a deep breath. Ngayong araw na gaganapin ang Game of Death: The battle of all factions, at wala akong ibang magawa kung hindi ang mag-alala kay Athena. She spent the last two remaining days in training, with Asher. Hindi na namin siya inabala pa dahil nakikita naming pursigido siyang manalo. We can't go there because we will just distract her.

"Damn... I can't do this! Paano kung malaman ng council ang tungkol sa Control niya?" Hiro said problematically.

Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa at inisip ang mga maaaring mangyari mamaya. Nag-aalala ako kay Athena. Papaano kung mapahamak siya?

"We need to trust her. Alam kong makakaya niyang manalo," Louie said.

"Ilang oras na lang?" tanong ko at tinunghay ang ulo para tignan silang dalawa.

"Two hours," sagot ni Louie at bumuntong hininga.

I don't know if they are just worried to Athena because she is an Alpha or... may iba pang dahilan? Whatever their reasons are, hindi na ako mangingialam pa. Ang mahalaga ay okay si Athena.

"Let's now go to the arena. Siguro ay nandoon na rin ang council," aya ko sa kanila.

Sabay-sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa napakalaking arena ng school na ito. Matagal nang isinasagawa ang ganitong laro. Pero ngayon lang kami nabahala ng ganito. Hindi namin inaasahan na malalaman ng council ang tungkol sa pagiging Alpha ni Athena.

I sighed. We are working under the council. Ginagawa ang lahat ng gusto nila, sinusunod lahat ng pinapayo nila, at tumatanggap ng mga misyon kahit pa mapapahamak kami. If you're wondering if we already killed a person? Yes. Hindi ako proud doon dahil hindi ko rin gusto ito pero wala akong ibang magawa kung hindi ang sundin sila.

We already killed so many people, pero hindi kami pumapatay ng kung sino sino lang. Ang mga pinapatay namin ay iyong mga sinusubukang maghasik ng kaguluhan dito sa lugar namin. We are all doing this to keep the peace here in this place. We are like soldiers.

Napatay namin ang mga magulang ni Asher noon. They are our first bloods. At iyon ang naging bangungot para sa akin. We fell apart because of that. Asher left the group and Hiro and Luigi never remained the same after that. We are all blaming ourselves because of his parents' death. Pero kung hindi rin naman namin ginawa iyon, baka kami ang namatay.

Gustong gusto kong kumawala sa council. Alam ko kung ano ang pinaplano nila. The government of Minde established the Perigo University to find the best students here in town. They want to create a strong army. Isang army na maaari nilang gamitin laban sa ruler ng Kingdom na ito, si Augustus Miyata. But then again, Augustus Miyata is just so strong. Hindi pa nila makakaya ito kaya wala silang ibang magawa kung hindi ang patuloy lang na maghanap ng magagaling na estudyante-- and here we are, the Alpha Team. Ginagamit nila kami para mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga kalaban nila. They are using us to fight against those people who are trying to infiltrate the government of Minde.

Noong una pa lang ay alam ko nang ayaw ni Asher ito, he doesn't want to be manipulated by anyone. Sadyang wala lang talaga kaming ibang nagawa noon kung hindi ang sumunod sa kanila. Pero ang pagkamatay ng mga magulang niya ay naging isang malakas na sampal sa amin...

When Asher left the group and manipulated everything so he would be a member of the Create, ginusto na rin naming kumalas lahat. Ayaw na rin naming mapailalim sa council. But the council threatened us all.

Perigo UniversityWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu