Narinig ko pa ang malakas na pagmura ni Maddy bago nagsalita. "Alam mo ikaw, hindi ko alam kung nasa'n utak mo! Bobo ka talaga kahit kailan! Gan'yan ka na habang buhay!"

Nailayo ko naman ang telepono sa tenga dahil sa lakas ng sigaw n'ya.

"Ano ba?! Hindi mo na kailangang ipaalala sa'kin! Bruhang 'to!" Inis akong bumuntong hininga. "Basta tulungan mo ko bukas."

"My goodness, Demrene San Mateo! Buti na lang talaga hindi ako nagmana sa'yo! What time ba?"

"Tomorrow, after class." Sagot ko.

"Okay, I'm in. I got you, girl!"

Pagkatapos ng usapan namin ni Maddy ay pinatay ko rin agad ang tawag. Naggoodnight na rin naman ako kay Eris pagkatapos no'n.

---

Kasalukuyan kaming nasa Quad ngayon at kasama ko ang dalawang magkapatid. Wala naman si Eris dito dahil pinatawag s'ya ng Coach nila, bukod do'n ay wala rin silang practice ng teammates nila.

"Dem, dito ka sa'kin sumunod. Wag ka d'yan kay Alucard!" Sigaw ni Matt sa tabi ko habang naglalaro kami ng Mobile Legends.

Wala kasi akong magawa kaya nagpapasa ako sa kan'ya ng larong 'yon at na-miss kong pumatay ng mga unanong kawal na kulay pula.

Si Maddy naman ay abalang tumatawa habang may kachat sa kan'yang phone. Isa rin 'yon kung bakit ako nagpapasa ng larong 'to, e!

"Teka lang, nasa'n ka ba kasi?!" Inis kong tanong dito.

Hindi ko alam kung sa'n ako pumupunta basta nakasunod ako ro'n sa hero na kulay asul, he's also holding a huge sword-- a handsome hero, too! Ito siguro 'yung sinasabi n'yang si Alucard!

"Nasa mid!"

Natawa naman ako sa sagot n'ya. "Nasamid? As in choked?"

Nilingunan n'ya ako at inilingan, "Nah. I mean, nasa middle! Sandali nga, ako pupunta d'yan. Ba't ka kasi nasa top. Sabi ko sumunod ka lang sa'kin, e. Gusion pa naman gamit ko. 'Di mo makita galawan kong pogi." Pagmamayabang nito na ikinagusot naman ng mukha ko pagkatapos ay tumawa.

Ilang sandali pa ay nakita ko na 'yung hero n'ya. Sinundan ko 'yon at kung saan saan kami dumaan.

Tawa naman ako nang tawa sa boses ng herong gamit ko.

"I'm gonna get angry if you poke me again."

She's cute and looks like a cat. Mas'yado ring girly dahil kulay pink ang damit nito. Nana ata pangalan nito!

"Dem, alis d'yan. Tower na 'yan ng kalaban." Muling sambit ni Matt ngunit sa kan'yang telepono ito nakatingin.

"Teka, nasa'n ka kasi. Iniiwan mo naman ako, gunggong!" Natatawang halos mainis kong reklamo rito.

Kanina pa trashtalk nang trashtalk si Matt sa ibang kakampi namin pero wala akong naririnig na tinatrashtalk n'ya ko kahit napakabobo kong maglaro.

Sa halip ay tinatawanan pa ako nito.

"Matt inaattack ako gagi! Sa'n ako pupunta! Hoy dalian mo!"

Halos ilayo ko na sa sarili ko ang phone dahil may tatlong kalaban na tumitira sa'kin patalikod. Babalik na sana ako no'n kay Matt kaso naabutan ako ng mga epal na 'yon! Tawang tawa naman ako habang kung ano-ano na ang pinipindot sa screen.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now