Samara Sybil Leoncio

Start from the beginning
                                    

I sat on the couch letting Natalia watch her cartoons. Umiinom ako ng kape at nagbabasa ng ilang libro. Next week, I will go back to working at Andres' company.

May dalawang katok sa main door. Nilingon ko nang pihitin ni Pong ang pintuan at sumilip sa aming mag-ina.

"Ma'am, may bisita ka..." aniya.

Tumango ako at tumayo na para silipin kung sino iyon. Laglag ang panga ko nang mapagtanto kung sino iyon.

It was Judge Victor and his son! Ang matandang hukom ay nakangisi sa akin. Hindi ko napigilang yakapin ito. He was my savior at parang ama na rin ang tingin ko sa kanya.

"Judge, bakit napabisita kayo?" tanong ko na may malaking ngiti.

I will be forever grateful to this man. Hindi ko makakalimutan na siya ang nagligtas sa amin ni Serge noon. Kung wala siya, paniguradong patay na kaming dalawa.

"I'm so proud of you, hija." he smiled. "Napakatatag mo. You've grown into a good woman. You raised a brilliant child too."

Ngumiti siya kay Natalia na nasa kandungan ko. Jack smiled at her too.

"Salamat, Judge. You taught me things that I am grateful for." I sincerely said.

Tumawa ang matanda sa sinabi ko. Napangiti na rin ako. Sa nagdaang mga buwan, ngayon ko naramdaman ang kapayapaan.

"Jack, give her my present." the old man nudged his son.

Tumango ang anak at kinuha mula sa bulsa ng jacket nito ang isang letter. Tinanggap iyon ni Samuela at halos bumagsak ang puso niya sa lakas ng kabog nito.

"J-Judge..." hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa.

Ngumiti ang hukom at tumango.

"Athos pursuade the board. Napatunayan na wala kang kasalanan at wala kang nilabag ni isang batas. You are now permitted to practice your profession again,  Attorney Montecillo." he said.

Napahawak ako sa aking bibig. Nanatili naman si Natalia na nakatingin sa akin at tila hindi naiintindihan ang nangyayari. Instead, I hugged her so tight and cried.

"Mama?" she asked.

Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi niya.

"No, baby. Mama's happy." I whispered.

I felt that things were slowly getting back to its place. Bumalik na ako sa dating firm na tinayo namin ni Stephen. I honored him with a prayer. Kasalukuyan kong inimbestigahan ang kanyang kaso. I found out that the nightshade had done something with his death.

He did discover something kaya pinatahimik nila. I won the case. Nagsampa na rin ng kaso si Cynthia laban sa nightshade tungkol sa naging aksidente niya. Naungkat rin na protektor ng samahan si Frederick Castaño at nadamay lang siya.

Sa TV lamang ako nakikibalita sa kaso. Hindi pa ako handang harapin ang lahat. The police got my testimony and I participated in anything that I want.

Kaya naman nang makaharap ko si Uno sa huling pagkakataon, ay labis kong ibinuhos ang hinanakit ko.

He looked so old and weak. Wala na ang kakisigan niya sa suot niyang kulay orange na uniporme.

I looked at his hands that were handcuffed. I bit my lower lip to stop my emotions.

"First, I want to tell you that  you deserve this..." I said, trying not to crack my voice.

"You killed my mother and my family."

A tear fell put of his eye. Mabilis niyang pinunasan iyon. I let mine to fall.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now