Chapter 11: Magpaalam Na

3 0 0
                                    

Tapos ang unang araw ng trabaho. Inilapag ni Chester ang DSLR camera sa ibabaw ng glass shelf. Tinungo niya ang kaibigang nasa kabilang gilid. "Prend, prend, good news!"

Nanatiling tahimik si Dexter sa pagkakaupo sa harap ng shut down PC.

"Nakapagsimula na ako sa photojournalism! Dami ko nang shots and I'm about to deve..." Napansin ang kalungkutan ng isa. "Dex?"

"Kahit naman bad, good pa rin sa iyo."

Nakilungkot na rin. "This time, ang bad ay bad." Naupo sa katabing monoblock seat. "Niloko si Jasper sa T.O.P. Kawawa naman."

"Oo nga eh, tsk tsk tsk..." umiling na pahayag. "Kanina may na-mention siya about possible reasons ng panloloko sa kaniya roon."

"Ows? Talaga? Ano ba ang analysis niya kung bakit daw nangyari iyon sa kaniya?"

"Una: sa tingin ni Jasper ay nagkunwaring kidnap victim si Sir Cesar. Kumbaga, nagpagamit lang siya para ma-trap si Jasper sa news company. Pangalawa: posible ring talagang kidnap victim si Sir Cesar para maging pain ng kalaban sa pamba-blackmail kay Jasper para huwag ituloy ni prend ang ambisyon niyang maging gaya ng tatay niya."

"Or puwede ring tugisin ng gang si Jasper if ever plano ni Jasper na iligtas ang buhay ni Sir Cesar."

"Posible rin."

Sabayan silang napahinga nang malalim. "Haaaaaay...."

"Everything happens for just one reason."

"Ano iyon, Dexter?"

"Pinipigilan ng sindikato ang pagsingaw ng baho ng kung sinumang politician iyon."

"Bakit, may body odor ba siya?"

"Body odor ka jan? Ibig kong sabihin, iyong... okay: kunin natin iyong konsepto mula sa naging paliwanag ni Jasper Ray noon: kapag ang isang pulitiko ay napakaraming nagawang mabuti sa bayan, at maraming mamamayang humahanga sa nasabing politician, gagawa at gagawa ng paraan iyan para hindi masira ang kanyang political career at reputasyong pinaghirapan niyang itatag."

Tumango si Chest. "Yup."

"The temperature of election fever is rising. Gagawa at gagawa ng paraan iyong politician-mastermind para malikida ang mga wawasak sa kanyang political ambitions."

Sandaling katahimikan ang nanaig.

"Tsk. Napulitika si Jasper," konklusyon ni Dexter. "So parang ang nangyari ba ay nagkabayaran sa T.O.P. to kick Jasper's butt out there? Akala ko ba ipinagbabawal sa kahit anong media outfit ang magpagamit sa mga pulitiko?"

"Malay ko ba sa kanila. Sandali, nasaan ba si Jasper? Interbyuhin nga natin siya tungkol sa pangyayari tapos aliwin natin siya ta problemado iyong tao. Gala tayo!" Tumindig at tumayo si Chester. Sinurbey ang bawat sulok ng DexChest. "Jasper Ray? Jasper? Yoooohooo! Jazz..."

"Umalis na, kanina pa."

"Saan siya pumunta?"

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****    

Tumawid ako sa yellow strip na may warning note na 'POLICE LINE: DO NOT CROSS.' Bigla na lang akong hinatak ng isang naghuramentadong pulis palabas ng strip. "Anak ng... sino ka bang basta-basta lumulusot dito samantalang...?!"

"Anak ako ng tatay ko, sir!" ngitngit kong sabi.

Dinepensahan ako ni Alvin. "Yes sir. Anak po siya ni Sir Federico Montelibano Jr."

Napahiya siya. "Ganoon ba?" Binitiwan ako. "Pasensiya ka na ha? Galing kasi ako sa Pangasinan. Bagong destino lang ako dito. Hindi ko pa kabisado ang Cebu."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now