Chapter 3: Hanapin Na

11 2 0
                                    

Iyong personal computer ko, gusto na rin yatang magbakasyon ilang buwan matapos kong tapusin ang 18-unit major courses sa Bachelor in Education . Parang utak na na-torture mula high school hanggang extended college, kinailangan kong ipa-repair para sa mga susunod na gagawin ko sa buhay. Dineretso ko itong PC sa suking taga-ayos ng ganitong gusot. "Tao po. Paki-repair naman 'to o." Ipinatong ko sa comptroller's booth ang tinopak na Central Processing Unit.

May sumagot ng, "O? Oh yeah, that's good, just pick any letter!"

Ang naging intindi ko noon, okay lang kay suki basta mapulot ko lang ang mga kalat sa lugar. Well, okay lang din sa akin dahil nakakadiskuwento naman ako sa kaniya. Mukhang malinis naman nang aking i-survey ang lugar so hindi ako nakapagpulot pa.

Napansin kong nakatalikod si suki, naghanap ng maiinom sa four-foot cubic ref sa sulok.

Sino kaya iyong mokong na sumagot sa akin? Hinagilap ko, at walang nasumpungan kundi mga kabataang adik sa DOTA, Battle Realm, Command and Conquer, Flyff, Gunbound, pRose, Grand Theft Auto San Andreas, Special Force, Criminal Case, at Need for Speed Most Wanted. Naka-headset naman pero silang lahat. Tahimik ang medyo madilim na lugar.

Pera na naman ito, kaya madaling tinanggap ng technician ang request ko, sabay lapag ng dalawang tetra-boxed iced coffee. "Hey Jazz! Musta na?"

Sa tipo ng sagot, mukhang... hindi ba siya iyong nag-utos sa akin na magpulot?

"Tinutopak na naman ang CPU mo ano?" pailing niyang sabi. "Sa motherboard ba?"

"Iyong fan, ayaw umikot."

"I see."

"Kaya ba ng magdamag?"

"Oo naman, ako pah?"

"Mahirap kasi kung madaling mag-heat iyong unit. Lalala ang sira sa motherboard."

"Precisely."

"Pa-internet ha?"

"K. Sa sixteen."

Banat uli ng answerer habang naglalakad ako patungong Desk 16. "Isn't it time to get your sideshow, freak?"

Nagsimula mang mapikon, nagpigil muna ako. Sinagot ba ako ni Edgar nang patalikod? Kung siya man, nakakapanibago yata? Hindi siya dating ganoon. Ang yabang yata niya por que nakawalong branches na siya sa loob ng dalawang taon. Ah, never mind. Umupo ako sa computer chair, nag-surf sa internet, baka sakaling may job availability na naka-post sa www.workabroad.ph.

Palibhasa bihirang magkasama, isinantabi muna ni Edgardo dela Costa ang CPU ko, tinabihan ako at inalukan ng iced coffee. "Inom pare?"

Tinanggap ko. "Thanks." Deretso inom nang kaunti.

"Ah, that's a wrong answer," kasunod niyon. "You gotta put on your shockbase."

Tinignan ko si Edgar, na nanatiling tikom, uminom din. Kapwa kami nagtakahan, naglapagan ng tinagay sa desk.

"O ano, may trabaho na?" kumusta ni Ed.

"Naghahanap." Tuloy ang surfing. "Ikaw, kumusta na?"

Sakto ang timing ng sagot na, "I? Why do I always get stuck with an idiot?!"

Pinanlisikan ko ng tingin si Edgar at pinaghinalaan.

He read my mind. "Hindi ako iyon ah? Iyon." Itinuro ng nguso niya ang isang high school freshman na naglalaro ng puzzles sa Hangaroo two desks from mine.

Nangiti ako, nawala ang maling pagtanto. Siya pala iyong naglalaro noon sa computer na walang headset.

"Nabitin ako sa budget kaya hindi lahat ng PC ko ay may headset. Pero next week, for sure meron na rin iyan."

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now