Chapter 5: Hulihin Na

5 0 0
                                    

Makalipas ang tatlong gabi, sakay ng isang wooden motorboat, sinimulan ko ang bagong trabaho. 

Sa laot kami nagkasamang muli ni Eduardo Benedicto, Edong for short, mas matanda sa akin ng apat na taon. Matalino at maabilidad din ang kaklaseng kinaibigan ko noong high school sa BPGMHS. Naging kahati pa sa baon ko kasi lagi siyang pumapasok noon sa klase nang walang laman ang sikmura. Sa habag ko sa kanyang kalagayan, binahagi ko sa kanya ang blessings. Kasama sana sa top ten itong tall, dark and medyo handsome na binatilyo na taga-tabing-dagat, na kaya lang hindi nakalusot sa rankings ay dahil laging kulang o halos hindi makapag-submit ng projects at financial obligations sa mga subject teachers namin. Nagsilbi siyang janitor ng section namin, kinaawaan ng faculty kaya ipinasa. Naging masaklap pa nga noong 3rd year kami, kalagitnaan ng school year, sapagka't nagpasya siyang mag-drop noong naaksidente sa sinakyang jeepney ang nanay niyang tindera ng mga sariwang isda samantalang ang tatay naman ay pabalik-balik ang sakit sa di-pa-matukoy na mga bahagi ng katawan (wala kasing pang-check up sa doktor). Kaya si Edong na lang ang nagpatuloy sa trabaho ng tatay bilang mangingisda. 

Naalala ko iyong huling pag-uusap namin noon habang hinahatak naming dalawa ang lambat na puno ng mga isda. "Jasper, pakibigay bukas kay Ma'am iyong sulat ko ha?" 

"Liliban ka na naman? Pang-ilan mo na iyan, labinglima?"

"Yeah. 15th and last."

"Ha?!"

"I'm sorry for myself, Jasper. Hindi na ako magiging pulis." 

Nanghinayang ako sa kanya kasi matalino siya eh, may abilidad. Iyong bulsa lang niya ang wala. Kung may magagawa lang sana ako noon. 

Ngayon, "Di ko akalaing magpi-fisherman ka, Jasper Ray," aniya habang pinagtulungan naming ihatak ang mabigat na lambat. "Ang taas-taas ng ambisyon mo, at nag-Magna ka pa. But you ended up here."

"Okay lang iyon, Edong. In life, diskarte ang kailangan."

"Bakit hindi mo nadiskartehan ang journalism mo?"

"Sinunod ko lang naman ang gusto ni Mama Rina. Ayoko siyang biguin sa expectation niyang makapagturo ako."

"Iyon naman pala eh. Bakit mo isinuko ang teaching?"

"Mahahawa lang ako sa mga bulok na kamatis."

Medyo napahagikgik si Edong. "Hay naku, Jazz... umiral na naman ang pride mo. Hindi uso iyan sa trabaho. Makisama ka lang. Ganyan talaga eh. Siya, mamayang pagkaahon ng mga isda, siguradong malaki ang kita natin. Kaya pagbutihin natin ito."

"Paano mangyayari iyon sa ganitong klaseng trabaho?"

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

Pagkahilera sa mga banye-banyerang isda, kahon-kahong packages naman ang inilagpak sa aming harapan. Dalawang kahon bawat isa sa aming 67 trabahadores.

"Isiksik nyo ang mga iyan sa tiyan," mahigpit na utos ng isang Reuben Marte, 48 years old, tubong Negros Oriental, distributor ng mga nakakahong goods (na unlabelled kaya misteryoso ang impact niyon sa akin). Hindi niya ako kilala, maging ang mga kasamahang mukhang hindi Cebuano. Si Edong lang ang pamilyar sa akin.

"Ano ba itong pinasisiksik?" bulong ko kay Edong out of curiousity.

Malumanay niya akong pinatahimik. "Shhh,"

Time to start working. "Bilisan nyo, boys!" bilin ni Reuben. "Dapat, at exactly 2am, maideliber na lahat ng mga isda sa buong Visayas. Nakakahiya naman sa mga kliyente nating nagsipag-order niyang bulko-bulko."

Binuksan namin ang aming mga first boxes gamit ang matalim na cutter.

"Ingat ka Jazz," mahinang warning ni Edong. "baka mapunit mo iyong wrapper."

The Montelibano JournalМесто, где живут истории. Откройте их для себя