Chapter 2: Bantayan

10 2 0
                                    


"Papa, saan po kayo pupunta?"

Hindi siya huminto. "Sa Bantayan."

"Puwede po bang sumama?"

"Hindi ako magi-interview. Samahan mo na lang ang mama mo."

Nakalabas kaming mag-ama at nakarating sa garahe, kung saan nakaparada ang latest model ng Toyota Corolla na maghahatid sa kaniyang destinasyon.

"Papa, please? Nakapagpaalam naman na po ako sa kaniya. Kaso hindi siya pumayag, kaya sa inyo na lang."

"Delikado ang lakad ko, Jasper. May dapat akong saksihan doon."

"Na alin po?"

Hindi kumibo si Papa habang sumasakay sa loob ng itim na kotse. Pinagana niya ang makina.

Kinulit ko siya habang nakakapit ako sa kaliwang bintana. "Papa, kung bahagi pa rin po ng journalism yan, puwede po bang sumama para mag-imbestiga...?"

Tinitigan niya ako, tipong nagbabawal.

"... I mean... para po magpaturo sa inyo ng tamang surveillance technique. I'm a future journalist, remember?"

Gusto sana niyang isama ang anak, subalit buo ang kanyang pasya. "Huwag na." Tumingin si Papa Rico sa daraanan. "Baka madamay ka pa."

Saan kaya ako posibleng madamay? Bakit naman ako madadamay? Paano naman ako madadamay sa situwasyong sangkot si Papa? Marami pang katanungan ngunit kusa niyang pinutol ang usapin.

"Tutuloy na ako."

Inilayo ko ang aking mga kamay. Umusad ang biyahe ni Papa samantalang ang kanyang beinte anyos na binata ay nakatanaw sa lumalayong sasakyan. Nanatiling nakatayo, kinutuban nang hindi maintindihan. "Papa..." na lang ang naibuka ng aking mga labi. Pinanghinayangan ko na hindi ako nakasama sa lakad niya sa kauna-unahang pagkakataon. Dati-rati kasi, kapag may kinalaman sa trabaho niya ang appointment at wala akong pasok sa paaralan, sinasama niya ako para magkaroon daw ako ng hands-on experience and first-hand observations sa propesyon niya. Tatlong buwan na lang bago ako magtapos sa kolehiyo. Itong aktwal na pagi-imbestiga na lang ang hindi pa naituturo ni Papa sa akin. Iniwan naman niya ako. Tsk! Kailan kaya siya magkakaroon ng panahong makapagsanay sa akin ng espionage na kakailanganin ko sa, halimbawa, Philippine Center for Investigative Journalism? Hiniling ko na sana magbago ang isipan ni Papa. Sana mabalikan niya ako sa kinatatayuan ko.

Nakalabas sa gate ang kotse nang lumabas sa likurang pintuan ng aming bahay ang 45-anyos na babaeng may suot na asul na apron. Nilapitan niya ako. "Jasper, saan daw pupunta ang Papa mo? Magpapagasolina raw ba siya? Pupunta kasi kami mamaya sa night market para..."

Nagtaka ako. "Night market? Pero ang paalam po niya sa akin, bibiyahe raw siya ngayon papuntang Bantayan."

Nagulantang si Mama. "Bantayan?!"

Lalo akong naalarma.

"Tawagan mo ang Papa mo, dali! Hindi siya dapat magpunta sa Bantayan!" Hindi na mapakali si Mama mula noon. "Ilang beses ko na ngang binilin sa kanya na huwag siyang gagawi roon...!"

"Pinigilan ko po siya kanina pero parang wala siyang narinig," katuwiran ko habang hinuhugot ang mobile phone ko sa aking bulsa.

"Tawagan mo ngayon din, Jasper Ray! Pigilan mo ulit siya!"

"Opo." Kinontak ko ang mga numero ni Papa. Bad trip, un-attended ang mga linya niya! "Cannot be reached, 'Ma."

"Kaaalis lang niya, di ba? Takbuhin mo na lang, Jasper! Sugurin mo siya, dali!"

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now