Chapter 7: Kunin Na Sabi!

1 0 0
                                    

Nag-dinner muna ako sa pinakamalapit na KFC. Pantawid-gutom. Kumain ako ng mga paborito kong Mushroom Soup, 2 pcs Original Recipe Fried Chicken with gravy na aking isinabaw sa kanin, at coleslaw habang nakikinig ng Eminem's Lose Yourself mp3 sa aking headphones. Walang kibo hanggang naramdaman kong nag-ring ang iPhone 7 ko sa mp3 na 'I'll Get You' ng The Beatles. Hinugot ko itong CP mula sa kaliwang bulsa ng aking brown maong to check kung sino ang caller.

My golly, mysterious caller! Numero lang ang nakalantad sa LCD. I wondered kung sino iyon. Prankster? Friend na nagpalit ng SIM? Well... whoever that was, I simply paid courtesy through my reply, "Good evening. This is Jasper Ray speaking. Sino po sila?"

"Mr. Cesar Taborda Eugenio."

Saktong tumugtog sa cellphone ko ang FTW (For The Win).mp3 ng Moymoy Palaboy that pushed me to the limits.

Sa aking pagtakbo sa hallway going to the EIC's office, muntik ko nang mabangga ang ka-height kong lalake na biglaang lumabas mula sa pintuan ng CR. Medyo kinky haired siya na hindi gaanong chubby, mukhang may sinasabi sa society. Kilala ko iyong guy as, "Jerico Morales?!" Kasamahan ko siya since freshmen years namin sa Philippine Collegian, ngunit noong third year ay nag-transfer siya sa Ateneo de Manila. Mula noon ay hindi na kami nagkita't nagkausap. Until now.

Nakilala rin niya ako. "Jasper Ray Montelibano?" Hindi niya inasahan ang muli naming pagkrus ng landas.

"Yes, I am!" excited kong pakilala. Hinuha ko, aplikante rin siya rito o kasama siya sa apat na nakapasa na kailangan nang sumailalim sa briefing. Pero para makasiguro, ininterbyu ko siya pagkatapos magpasensiyahan.

Nagkamayan kami. "O, pare, kumusta ka na?"

"Heto, okay lang. Sorry nga pala, Jerico ha? Hala, muntik na kitang maitumba. Buti na lang..."

"Don't worry. I'm alright. And you?"

"I'm fine, thanks. So, naparito ka sa Oriental. Aplikante?"

"Yup. Nakapag-submit kasi ako ng credentials kay Mam Cuevas at nai-turn over kaagad kay Mr. Eugenio. Naisalang ako sa preliminary interview sa HR Officer kaninang umaga. Hinihintay ko na lang ang tawag ni Sir Cesar."

"I see."

"Nakakuha na kasi sila ng apat, yet they need five reporters. Ikaw, bakit ka naman naparito?"

"Well... tinawagan niya ako eh," kumpirmasyon ko kaakibat ng sarkastikong ngiti. "See yah!" Iniwanan ko nang tuluyan si Jerico, deretso opisina ng EIC.

Halos hindi matinag sa pagkakatayo si Jerico, nanatiling nakatitig sa akin sa loob ay tila kumulo ang dugo. Paano nangyari iyon? Hindi lubos maisip ni Jerico kung paanong ako ang tinawagan samantalang hindi ako kabilang sa na-group interview ni Miss Cuevas kaninang 11am. May naamoy siyang hindi matinong nangyari sa news organization.

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

Sinuri muna ni Mr. Eugenio ang credentials namin ni Jerico at pinagkumpara. Na-challenge siya sa decision-making sapagkat sa pananaw niya, kapwa mahusay kaming dalawa: Magna Cum laudes, Journalists of the Year from our respective universities, magka-edad, physically fit... basta, maraming similarities. Ang nagpahamon sa kanya ay ang mga tao sa likuran namin na kaniyang lubos na pinahahalagahan. Bakit nga ba mahalaga?

Ninong ko sa kasal si Senator Agapito C. Liwag. Malaki ang utang na loob ko sa kanya sapagkat iniligtas niya ang buhay ko by giving me almost half-a-million noong nagpa-chemotheraphy ako to survive the onset of cancer. Samantala, pinakamatalik kong kaibigan, at parang kapatid ko si Federico C. Montelibano, Jr. since high school magpahanggang college. Si Rico ang naging dahilan kung bakit ako nahasa sa journalism, at siya rin ang taos-pusong nagsakripisyo ng posisyon para lamang ma-hire ako rito sa Oriental bilang regular reporter. Kaya naman binigay ni Rico ang posisyong inalok sa kaniya noon ng CEO-President ay dahil na rin sa napakahigpit na pagtanggi ng kaniyang asawang si Marina...

The Montelibano JournalDove le storie prendono vita. Scoprilo ora