Prologue

30 2 0
                                    


Tinadyakan ko nang ubod-lakas ang narrang pintuan. "Gotcha!" Pinasok namin ang silid nang buong ingat, pinagmasdan ang kabuuan nito.

Mukhang salas ng mansion ang hitsura ng loob, pero hindi ito salas dahil may mga kagamitang pang-opisinang nadatnan namin dito--- mga binders, folders, steel cabinets... as in lahat ng maisip niyong office supplies, meron dito, kabilang ang Apple computer, pero walang nakasabit na larawan sa dingding o naka-display na pictures sa mesa at shelves. Hinanap ko ang closed-circuit camera at spy mic habang sina Edong, Chester, at Dexter ay nanigurong walang iba pang tao sa aming paligid. Wala kaming natagpuan. Ayos, walang makakasilip sa amin sa kung anumang nais naming gawin sa opisina. Nasa tamang ayos ang mga kasangkapan at mga dekorasyong inspirado mula sa kulturang Intsik. Pati carpet ay nakalatag nang maayos sa sahig.

Ang hindi namin batid, may hanging nagpumilit bumugso sa isang bahagi ng dingding na dinaanan namin. Hindi namin naramdaman dahil walang hihip o kakaibang temperatura kaming naramdaman. Wala namang anumang nakasabit o nakakabit sa dingding na magsisilbi sanang palatandaan. 

Pagdaka'y nakarinig kami ng magkakasunod na putukan mula sa labas. Naalarma kami. "Chester," utos ko. "paki-check nga kung ano'ng nangyayari roon."

"Roger!" expression ng biglang sugod sa bintana. Nagulat siya nang matanaw ang maroon Toyota Land Cruiser na sumulong nang mabilis palabas ng grounds, na sinundan naman ng pares ng nagwawang-wang na police cars. Agad niya kaming binalikan. "Naloko na..."

"Bakit?" tanong ni Dexter.

"Nakatakas siya."

"Ano?!" buwisit na reaksyon ni Dexter. "Paano'ng... ano'ng ginawa nilang mga bantay sa...!"

"Relax, prend. Sinusundan nila siya."

Pinanghinaan ako ng loob. Nawalan ng saysay ang lahat. Sa inis ay padabog kong itinapon iyong baril ni Papa sa malayong sulok. Nalaglag ang Colt 1911 American Eagle .45 ACP pistol sa tabi ng bentilador na hindi gumagana. Nakapamewang akong bumuntung-hininga. "Sayang," pag-iling ko. 

"Ang alin?"

"Sayang ang ipinaglaban ng Papa ko." Tapos, ibang boses na ang narinig kong sumang-ayon sa akin. Malalim na boses.

"Sayang talaga, Jasper Ray." Itinutok ng lalakeng yaon sa aking kanang sentido ang kanyang Glock 20SF 10mm pistol.

Marahan kong ibinaba ang aking mga kamay. Na-shock ako sa ginawa niya sa akin. Halos hindi ako makahinga na nakatanaw sa bintanang sinilip ni Chester kanina. Sinabi niya ulit sa akin ang linyang binanggit niya noong nag-graduate ako ilang taon na'ng nakalipas.

"Like father, like son."

Ganoon pala ang pakiramdam ng humaharap sa kamatayan. Pakiramdam ko, nahating bigla ang katawan ko sa dalawa: iyong Jasper na blangkong-blangko na't wala nang ka-plano-planong mamuhay nang matagal; at iyong Jasper na nagsisikap buhayin ang utak, na pinakiramdaman siya habang nag-iisip ng magandang tiyempo para matakasan ang kamatayang ito.

"Alam mo, hijo, sa hangarin ng Papa mo na ibagsak ako, lalo lang siyang napapahamak nang husto. Binalaan ko siya na huwag na huwag babangga sa pader kung gusto niyang mamuhay nang matagal. Pero ano'ng ginawa niya, Jasper? Tignan mo ang ginawa niya!" Puwersahan niya akong iniharap sa aking mga kasamahan.

May mga ka-partner na rin ang mga kaibigan ko: Reuben-Edong, Jerico-Chester, Jordan-Dexter, at si sir Edilberto Clemente ang kay---

"SIR EUGENIO!" Kinabahan ako sa kalagayan naming lahat, pero nagtaka akong bigla. Teka sandali... kung hindi pala nakatakas ang mastermind, sino ang nagmamaneho ng Land Cruiser? 

"Hindi siya nakasunod sa rulings, Jasper," pahayag ng mastermind.

Rulings? Ano'ng rulings ang nilabag ng tatay ko samantalang masunurin siya sa batas?

"Maaaring nasabi ng papa mo sa mama mo ang sitwasyong nakasangkutan niya, at maaaring pinagbawalan kang mag-journalist kaya ka nagkaroon ng education units."

"Paano mo nalaman?"

Nilantad niya ang aking foldered resumé. "Dala ni Edilberto."

Nanlisik ang mga mata naming mga biktima kay Edilberto. "Ang kapal din pala ng mukha mo, tso!" komento ni Chester, na sa pagkakataong ito ay lantaran na ang kawalang-respeto sa kausap. "Wala kang kaamor-amor sa mga kapatid mo sa PRESS. Dine-dePRESS mo kami!"

"Ulol," wika ni Edilberto. "tumahimik ka na lang kung ayaw mong ma-PRESS!"

Natameme na lang ang may sabit na Nikon DSLR camera sa leeg.

"So, Jasper," tuloy ng nakatutok sa akin. "dahil sa sinabi ng Papa Rico mo na 'I still have my son to do it', ipapasa ko ang tanong sa iyo: Can you make this world an ideal place to live?"

"Gagawin ko ang lahat para mawala sa mundo ang mga masasamang taong tulad mo!," sabi ko.

Humalakhak siya. "Hahahaha... SINUNGALING! Bakit hindi mo nagawa sa nanay mo iyan, sa katulong niyo, sa hardinero niyo?!... How much more to the world?"

Sina Mama Rina, Yaya Linda, at Mang Gaspar ang naging pinakamalaking resulta ng aking matinding paghahangad na makamit ang aking pinakamimithing pangarap sa buhay.

"So..." Ipinihit ako ng kriminal pabalik sa dating direksyon, na ang baril ay nasa sentido ko pa rin. "... congratulations, Jasper Ray..."

Nanatili akong dilat, nakatanaw sa kawalan.

"... dahil magtatapos ka na sa kamay ng isang Guest of Honor."

Aking naalala ang pagkapit ko sa nakarolyong diploma na iniabot ng Guest of Honor sa akin noong ako'y nagtapos ng...

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now