Chapter 6: Kunin Na

3 0 0
                                    

Summer vacation. Sa internet uli ako nakasalang gamit ang PC sa aking silid-tulugan. Sa pamamagitan ng Windows Media Player, pinakikinggan ko ang mp3 ng The Adventures of Tintin Soundtrack- General Alcazar nang kumustahin ko ang mga news companies ng Pilipinas. Maraming buwan ding nakabakante ako sa job hunting online dahil sa mga pananaliksik ko ng mga nais kong ituro sa mga kursong hawak ko sa St. Thomas Aquinas College.

Nag-ring ang cellphone ko the very moment na naka-logged in ako sa www.toppaperonline.net. The caller was Eliseo Ortiz, Ph. D. Sa button na 'Job Opening' ay nag-left click ako sa mouse, at sinagot ko iyong tawag. "Good morning. This is Jasper Ray speaking." Dahil sa bilis ng aking WiFi connection, agad nag-appear sa monitor ang latest hiring nila, at urgent pa!

"Dr. Ortiz here. How are you, Mr. Montelibano?"

Napatitig ako, halos malula sa nabasa kong ito sa website ng The Oriental Paper:

Be on T.O.P.!!!

REPORTER/ NEWS WRITER (5)

· 20-30 years old

· Graduate of AB Journalism or AB Mass Communication from any reputable universities

· With or without experience

· Willing to be trained

· Computer-literate

· With excellent written and oral communication skills

· Articulate in English and Filipino. Knowledge in other major foreign and local dialects is an advantage, but not necessary.

· With pleasing personality and good moral background

Kindly submit resumé, transcript of records, and other credentials to:

Mr. Cesar T. Eugenio

Editor-in-Chief, c/o The Human Resources Department

The Oriental Paper, 3rd Floor, Cardenas Building, Taft Avenue, Manila

DEADLINE: April 25, 20__

Nagtaka si Dr. Ortiz sa pagsasawalang-kibo ko. "Mr. Montelibano, I would like to know how you are."

Naulirat ako. "Ha?! Oh, I'm sorry po, Dr. Ortiz. Please remind me."

"No reminders, Mr. Montelibano. I simply called to inform you something very important. We, the Governing Board of St. Thomas Aquinas College, wish to extend your services with us, for you have shown excellent performance in instructing the students, as manifested on the evaluation results," patuloy ni Dr. Ortiz. "Will you accept the job offer, Mr. Montelibano?"

Na-challenge ako nang husto sa decision-making. I was torn between four considerations: My mother. Ayaw pa rin niya akong isalang sa journalism; My girlfriend. Natatakot akong mawala siya sa piling ko; The college dean. Umaasang mai-extend ko ang kontrata (masyado kasing malaki ang kumpiyansa ng pamantasan sa akin); My ego. Pangarap ko ito. Panahon na para matupad itong ambisyon.

Naalala ko tuloy iyong sinabi ng pari dalawang araw bago ang high school graduation. Um-attend ako noon sa Baccalaureate Mass. Hindi ako involved subalit nag-obserba lamang ako sa buong pamamaraan ng kanilang pagsisimba. Hindi kasi ako Catholic pero required ang attendance sa covered gymnasium ng Bienvenido P. Gallardo Memorial High School. Nakaupo ako sa last row. Sa misa, ipinayo ni Father Ismael Teodoro iyong, "God will make a way." Sabay kuwento niya ng love story raw ng isang kakilala niya. Dalawang girls daw ang nagpatuliro sa puso ng friend niya. Ang naipayo raw ng pari sa kaniyang kumpare, kumuha ng dalawang salamin na ni-label-an ng mga pangalan nila: isa kay Erica, iyong isa kay Josie. Isabit sa bukas na bintana. Kung alin ang salamin na unang mababasag, that's the Heaven's answer. Nag-abang daw ng maraming buwan iyong namrublemang guy. Hanggang sa dumating ang araw na binasag ng bola ng baseball ang salaming may karatulang JOSIE. Sa pagsigaw raw ng watching crowd sa malapit na open stadium ng, "HOMERUUUUN!!!" ay biglang sugod raw iyong guy kay Josie, nag-propose ng kasal, nakasal, and until now ay maligaya pa rin daw silang nagsasama in God's grace.

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now