Chapter 9: Ihayag Na

0 0 0
                                    

Pagbalik sa DexChest, kinontak ko ulit si Sir Cesar sa landline habang nakasalang sa desktop computer ang magkapartner sa business. Kung ano'ng program ang ginalaw ay hindi ko inalam sapagkat ang isipan ko ay naka-focus sa pagbabalik-alaala sa aking mga nasaksihan sa mother province.

Loading...

"Good evening po, Sir Cesar."

"Good evening din, Jasper. Bigla kang napatawag. Ano'ng atin?"

"Sir, may nais lang po sana akong ipaalam muna sa inyo bago ko gawin itong plano kong i-report."

"Actually, on Monday, iu-orient muna kayo. One week iyon. Tapos, pagdating sa issue na irereport mo, ia-assign ko sa iyo iyong dapat mong gawan ng balita."

"Maaari po ba akong mag-suggest ng isang isyu na gagawan ko ng report?"

"Tungkol naman saan?"

"Maaari ko po bang i-exposé iyong talamak na drug smuggling sa Cebu?"

Naalarma siya, nagtaka kung ano ang nalalaman ko tungkol doon at kung paano ko nalaman iyon. "Hindi hearsay iyan ah?"

"Hindi po. First-hand information po ito. Ako mismo ang saksi."

100% accessing...

"Really? Hmn, mukhang mabigat iyang issue mo ah? Any evidences?"

"Photos, recorded tapes, video clips na kuha ng cellphone ko."

"Na-open ang software program na kanilang binuksan. Umalon ang manipis na neon green line sa monitor.

"Sino ang involved?"

"Iyon pong Reuben Marte na may-ari ng fish processing plant, at iyon pong three-year Principal III ng paaralan kung saan po ako nakapagtapos ng high school. Tuluy-tuloy pa rin kasi ang kanilang operations until now."

"I see." Sa timbre ng boses ay tila may nalalaman si Sir Cesar tungkol dito. "That is a... very impressive jumpstart of your career. Investigative reporting ka na agad, unang salang mo pa lang."

"Thank you, Sir."

"But Jasper..."

"Sir?" May problema yata.

"Are you ready for this?"

"Sir naman. Kaya nga po ako nag-apply para maging investigative reporter ng Oriental 'coz I'm ready for this. Bakit po?"

Pinag-isipan pa sandali kung dederetsahin ba niya ang tunay na dahilan o ipagpapaliban muna. I guess matured na si Jasper para tanggapin ang katotohanan... I need to tell him so... kaya tinapatan niya ako. "Jasper, sa exposé na iyan pinatay ang Papa mo."

Grabeng shock ko nang marinig ko ang totoong score. "PO?!"

"Nai-relay ni Rico ang issue na iyan sa akin a day before he was assassinated by we-don't-know-who..."

********************************************

"Yes, my friend," sabi ni Papa, na sa panahon daw na iyon ay reporter sa news bureau ni Mr. Lardizabal. "Iyong Reuben Marte daw ang alleged mastermind ng drug syndicate dito, at iyon daw Head Teacher VI ng MAPEH Department ng Bienvenido P. Gallardo Memorial High School ang kakuntsaba niya. I plan to scoop about that scandal at ipa-publish ko sa paper niyo. Tumanggi kasi si Mr. Lardizabal na mai-reveal sa aming pahayagan. Baka raw masampahan ng libelo, manganganib na ipasarang pilit ang news company namin."

"Sabi mo naman, that issue is just a hearsay. So, as an investigative reporter, you should seek the truth on where it should be found," ang suhestyon ng noo'y associate editor ng Oriental.

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now