Chapter 8: Kumusta Na

0 0 0
                                    

After the briefing, dinner naman sa Eugenio Residence. Dalawa lang kami ni Sir sa loob ng napaka-monotonous na mansion sa may EDSA.

"People call me Sir Cesar," pakilala niya habang binubuhos ang Remy Martin Cognac sa aming wine glasses. "You may call me Tito Cesar, if you like."

"Thanks po, pero with all due respect, Sir Cesar na lang din po." Nakupo, palalasingin ba ako ni Sir? Hindi naman inuman ang pakay ko sa pagpunta sa Manila, kaso... siguro nga bahagi pa rin ng pakikisama itong first time na gagawin ko: ang uminom ng alak. I had no idea how it tasted like.

"They know me as an old bachelor."

"Wala pa po kayong asawa, Sir?" taka ko sapagkat siya ay 53 years old na.

"Until now, yes." Kasabay ng paglapag ng cognac sa long dining table ay ang pag-upo niya sa aking tapat.

"Hindi na po siguro dumating ang true love sa inyo, ano po, Sir?"

"Ahmmm..." Nakapag-isip saglit, saka napahagikhik. "Well... we'll never know."

"Siyanga po pala, naalala ko po kasi iyong college graduation ko when I led the batch on reciting the Pledge of Loyalty. Kayo po ba iyong lalakeng nakahalo sa crowd na malagkit ang titig sa akin?"

"I was."

Oooh... siya pala.

"Natakot ka ba noon?"

"Honestly, yes. Medyo po."

"Tinitigan kita, pinagmasdang maigi. Noon kasi, target kita na mai-hire agad sa The Oriental Paper. Matagal na kaya kitang kilala. Madalas kang ibida ng Papa mo sa akin noong nabubuhay pa siya."

"Kung gayon, bakit hindi niyo po ako agad nai-hire noon?"

"I was thinking twice kung ipuposisyon kita sa T.O.P. o hindi kasi I've been aware of your mother's attitude when it comes to journalism. Madalas nilang pag-awayang mag-asawa ang pinlanong pagrereporter ni Rico mula pa noong nagtapos kami ng pag-aaral. Tapos, heto ka ring gaya ng Papa mo. I was expecting na haharangin ka rin ng Mama mo so, I took time muna. I told myself, hintayin ko na lang iyong pagbabakasakali mong makapag-apply rito. And, here we are."

Napatango ako. "Salamat po."

"Parehong-pareho talaga kayo ng Papa mo. Parehong tumakas para mag-apply bilang reporter. But I think may slim differences between Rico and you. Alam mo ba kung ano iyon?"

"Ano po iyon, Sir?"

Paunti-unti kaming nagsalo ng nai-take out naming pagkain mula sa Kamayan Restaurant. "Ama siya. Anak ka lang," sagot niya.

Napahinto ako sa pagkain. Natahimik.

"Si Rico, asawa ng Mama mo. Mas mataas ang authority level ng Papa mo kaya kapag na-bullshit si Rico at umalis ng bahay, walang magagawa ang Mama mo para pagbawalan siya. Ikaw, kontrolado ka ng nanay mo. Kung ipipilit mo ang gusto mo, lalabas kang bastos sa kaniya kahit sa totoo lang ay hindi mo nais na bastusin siya."

"Oo nga po, Sir. But now, I thank you for hiring me as your new reporter for the best newspaper in the Philippines. Mula po ngayon, I'm going to prove to my mother na ang lahat ng mga ginagawa ko ay para rin sa kaniya, hindi lang para sa sariling kaligayahan ko."

"Maiintindihan din iyan ng Mama mo someday."

Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming salu-salo.

Pagdaka'y muling kumibo si Sir. "Jasper?"

"Sir?"

"Kumusta na ang Mama Rina mo?"

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now