Chapter 4: Ituro Na

6 2 1
                                    

Pagsapit ng Hunyo, naging Sir Jasper ako, pero diring-diri ako sa sarili ko na tinatawag akong 'sir' dahil hindi naman ako royal blooded. Mabuti sana kung related ako sa British Monarchy. Kaya nagpapatawag ako noon sa kanila ng 'Mr. Montelibano'. Teacher I na naging bagong adviser ng The Bayside Journal. Isinabuhay ko rito ang mga nakasanayan ko noong high school at mga natutunan ko noong college. Sa ilalim ng aking advisorship, marami sa aming mga Baysiders ang nakapag-uwi ng sandamukal na awards sa iba't ibang kategorya (Photojournalism, Feature Writing, News Writing, Editorial Writing, Broadcasting) mula sa mga press conferences na nadaluhan namin mula Division Level hanggang National Level. Liban pa roon ay ang mga cultural and art presentations na, kung minsan, ako rin ang nag-choreograph sa mga students at co-teachers para sa ilang campus events. Masarap ang feeling kapag nagwagi ang mga grupong tinuruan ko, at iyong ma-entertain namin ang madla.

Sa kabilang banda, inubos ng pagtuturo ang stamina ko sa maghapong paggawa, pagtalakay, pagsupervise, pakikipagplastikan, at sa pag-aatake sa mga problemang parang kabuteng sumulpot sa tigang na kahoy. Talaga namang said na said ang accounts ko sa tatlong bangko sa Cebu City, sapagkat tatlong buwan akong hindi sinuwelduhan, ngunit inobligahang magbayad ng mga contributions na nakapangalan sa akin dahil sa mga estudyante kong walang kakayahang makapagbayad ng tickets, envelopes, workbooks, at mga checheburetches na, kahit hindi naman talaga kailangan at hindi bahagi ng budget, pero 'social responsibilities' daw. Masaklap na realidad, na walang guro ang walang utang ngayon.

Minsan nga, dinalaw ako ng Faculty Treasurer na si Miss Peña ng Social Studies Department. Ang ganda pa naman ng discussion sa klase patungkol sa Subject-Verb Agreement nang umentrada ang matrona. "Good afternoon, Sir Jasper."

Tinabangan ako. "Likewise."

"Iyong bayad sa concert ticket?"

Wala akong idea tungkol sa concert na iyon. "Concert ticket? Ng alin?"

"Hindi ka pa ba naabutan ni Madam Figueroa?"

"Wala namang nakarating sa akin, madam."

"At hindi mo napuntahan ang office niya kanina to pick them up?"

"Malay ko bang mayroon palang ganyan."

"Nakibalita ka sana."

"Binalitaan niyo sana ako."

"Paiwas ka naman."

"Hindi ko kasi trabaho ang magbenta sa school eh."

Natisod si Mrs. Peña.

"I am hired to teach, not to sell."

"I-explain mo iyan sa Principal. Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko bilang faculty treasurer."

Nagmatigas ako. "Well, ginagawa ko rin naman ang tungkulin bilang teacher: to provide the students what is REALLY necessary in life to meet their ACTUAL demand."

"Sabihin mo iyan sa Principal." Mataray siyang lumabas sa aking overcrowded classroom.

Vacant period ko nang nakiharap ako sa principal at nagpaliwanag. What a shock I had nang marinig ko right from his mouth:

"As principal, sinusunod ko lang ang direktiba sa akin ng superintendent ng division natin."

"Sir Domingo, maaari ko rin po bang alamin sa division superintendent ang dahilan ng cumpolsary payment ng concert tickets na ito?"

Napahalakhak si Adamson E. Domingo, Ed. D., Principal ng Bienvenido P. Gallardo Memorial High School na dating English teacher ko noong freshman stude ako. "Jasper Ray... hehehe... don't you expect na ang isasagot naman sa iyo ni Dr. Cruz ay 'Sumusunod lang ako sa direktiba ng nasa awtoridad'?"

The Montelibano JournalМесто, где живут истории. Откройте их для себя