"Go," He ordered.

Ngumiti naman ako at pinagmasdan ang seryoso n'yang mukha. Halos dalawang minuto na 'yon ngunit nasa kan'ya lang ang titig ko.

"I'm going downstairs?" Muli nitong sambit.

Tatalikod na sana s'ya ngunit tinawag ko ang pangalan n'ya. He just looked back.

"Sinasagot mo na ba 'ko?" I asked, smile curved into my lips.

"What?" Eris asked, turning his body to finally face me.

"Diba nililigawan kita?"

"Ah?" He just shook his head.

"So ano? Tayo na?" I repeated.

"Nope."

Sandali naman akong pinanlakihan ng mata. "Ha?"

Ibang klase rin talaga 'tong si Eris.

"Just go to your room." He stated.

Hindi naman na ako naka-angal nang tuluyan na itong tumalikod at naglakad palayo.

Pinanood ko lang s'ya hanggang sa lumiko na ito sa kabilang hallway, pagkatapos noon ay pumasok na ako sa kwarto.

Pabagsak akong humiga sa kama at isinubsob ang mukha sa malambot na unan.

I heard Maddy's grunt so I calm myself not to create noise.

Kinikilig lang talaga ako. Hindi ko alam kung makakatulog pa ako pagkatapos nito.

I HEARD Maddy calling out my names beside me. Nararamdaman ko rin ang pagyugyog n'ya sa buong katawan ko.

"What?!" Inis kong sambit dito nang bahagya akong magising.

"We're late na. Gumising ka na d'yan!"

Naalimpungatan naman ako sa sinabi ni Maddy. Kaagad akong bumangon at nilingunan ito.

"What time is it?" I asked.

Maddy is already took her bath. Kakaalis lang nito ng towel sa ulo at kasalukuyang nasa harapan ng salamin.

"5:15 exactly in the morining," she said while putting lipstick on her lips.

Pinanliitan ko naman s'ya ng tingin at walang pasabing binato ng hawak kong unan.

Nasapulan ko s'ya sa ulo dahilan para inis itong lumingon sa'kin.

"What the hell, Dem?!" She shouted, looking at her lipstick. "Muntik ng mabali yung Chanel lipstick ko!"

Inirapan ko naman s'ya at bumangon. "Sayang, di pa yung ulo mo ang nabali!"

"Stupid badass!" Bulyaw nito at binato sa'kin pabalik ang unan.

Napakaaga pa pala! Akala ko late na talaga ako. Punyeta 'tong si Maddy kahit kailan.

Nang matapos ako sa pagsha-shower at natapos na rin namin ni Maddy na ayusin ang mga gamit, papunta na kami ngayon sa lobby ng Hotel para roon magkita kita.

"Ako na ang magbabalik ng susi, mauna ka na sa bus." Maddy suggest as we arrived at the front office.

Tinaasan ko naman s'ya ng kilay, "Wow!"

"Why wow? Gaga, iihi rin kasi ako bago umalis! 'Wag ka ngang ambisyosa!" She looks defensive at this moment.

Hindi naman na ako nagsalita at tinungo na ang bus number namin.

Hindi naman 'yon mahirap hanapin dahil kulang na lang, masakop na nito ang unahang bubog ng bus.

Nang makaakyat sa bus, marami na ring estudyante ang nandoon. Napatingin naman ako sa inupuan namin ni Matt at bakante pa 'yon.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now