"Hey, relax!" Naramdaman ko ang mahinang pag-tap ni Ivann sa balikat ko.

Nginitian ko naman s'ya at ibinalik ang tingin sa dalawa. Focus lang ang atensyon ko kay Eris kasi hahalikan ko talaga 'to kapag nanalo!

"Mukhang mas kabado ka pa kay Eris, o. Things will work out, mananalo si Eris." Bulong ni Ivann sa tabi pero hindi ko naman s'ya nasagot, rinig ko 'yon. Hindi lang ako nagbigay ng reaksyon.

Yes, Eris will win. Sorry Matt, support pa rin naman ako sa'yo!

Nang tuluyang i-strike ni Eris ang cue stick sa number 8, napa-cross finger ako at pumikit.

Habang nakapikit, bahagya akong nagulat sa biglang pagsigaw ng mga crowd. Kaagad ko namang binuksan ang dalawang mata ko at sinilip kung naipasok ni Eris.

"Oh boy. Bingo!" Sigaw ni Matt nang makitang hindi pumasok sa pocket ang itim na bola.

Napasimangot naman ako roon at pinagdaop ang mga palad.

Some girls are cheering for Matt and the others is for Eris.

Tinignan ko naman si Eris at wala pa ring pinagbago ang reaksyon n'ya katulad kanina.

Bakit wala pa rin s'yang ka-expre-expression kahit na alam n'yang matatalo na s'ya?

Nang matapos 'yon, si Matt naman ang titira. Bakas sa mukha n'ya ang ngisi nang lumapit sa tapat namin.

"Dem," tawag n'ya sa pangalan ko. "This is for you. Manood ka nang mabuti." Matt winks at me before turning back.

Narinig ko naman ang dalawang gays na sumigaw sa likod namin.

Umiling na lang ako at pinanood si Matt. Akala mo naman talaga maishu-shoot n'ya.

Napakagat ako sa labi nang pumwesto na si Matt.

Si Eris naman ay nakapatong ang isang kamay sa head ng table samantalang ang isa ay hawak ang stick at nakatungkod sa lupa.

Seryoso lang ito sa panonood kay Matt.

Humalukipkip ako at ibabalik na sana ang tingin sa nakatalikod na si Matt nang makita kong sumulyap s'ya sa pwesto ko.

Mabilis lang 'yon dahil nagtalunan ang mga babae sa harap namin at dinumog si Matt.

Napatingin naman ako roon at nakapulupot na sa braso n'ya ang mga babae.

Ilang sandali pa ay hinawi ni Matt ang mga babaeng magagaslaw na 'yon. Lumapit s'ya sa'kin at yumuko para pumantay ang tingin namin.

"Pa'no ba 'yan?" He curve his lips upward and shrugged. "Panalo ako." He continued.

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin at tinulak ang noo gamit ang kamay ko.

"Edi congrats!" Sambit ko bago tumayo.

Kaagad na hinanap ng mata ko si Eris pero hindi ko na ito nakita.

Ang bilis naman n'yang mawala! Ico-congrats ko pa sana kahit talo s'ya.

Nasa sasakyan na kami ngayon ni Matt at tuwang tuwa pa rin s'ya hanggang ngayon.

"Saya ka lods?" Tanong ko sa kan'ya nang paandarin n'ya na 'yon.

Malaki ang ngiti sa labi nito nang lingunin ako.

"Of course, natalo ko 'yung crush mo. Mahina." Pagyayabang nito.

Hinampas ko naman s'ya sa braso.

"Hindi naman kasi naglalaro 'yon ng billiard! Nayabangan ata sa'yo kaya pinatulan ka na kanina!" Pagtatanggol ko para sa side ni Eris.

Ngumuso naman s'ya at ipinatong ang braso sa tabi ng kan'yang bintana.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon