I avoid myself not to put creepy smile dahil baka kung anong isipin ni Ivann.

"Defensive naman nito." He laughs and raise his brows. "Hina mo naman pala, Demrene San Mateo."

Tinaasan ko rin s'ya ng kilay at akmang hahampasin pero lumayo ito. Defensive ba ko? Parang hindi naman!

"Hoy, hindi lang talaga ako mapagsamantalang babae. I may not look innocent but trust me, I've never been touched and never been... kissed." Mabilis akong natahimik dahil hindi ko nasabing yung gusto kong sabihin.

"Liar." Muli na naman itong tumawa. "Nandon ako nung hinalikan ka ni Eris, hindi ba? Nakalimutan mo na agad?"

Kinagat ko naman ang labi ko at sinamaan s'ya ng tingin. "Basta inosente ako! Umalis ka na at mas'yado nang dumidilim."

Hindi pa rin tumitigil si Ivann sa kakangisi n'ya bago lumakad papunta sa pinto.

Sandali naman s'yang napatigil nang makalabas ito.

Tinawag n'ya 'ko kaya naman inangatan ko ito ng tingin.

"Hey, young lady?" He named, looking at me with an asking face. "What's your favorite color of underwear?" He smirked.

Niliitan ko naman s'ya ng tingin at kinagat ang loob ng labi.

"Seriously, Ivann?!" I'm a bit pissed off and ashamed at the same time.

Oo nga pala. He's going to pick up my underwear too!

Napakagulo pa naman ng damitan ko. Pakiramdam ko kasi hindi ako babae kapag hindi magulo ang cabinet.

I don't know, it's just in my point of view.

"Just kidding! I'll just choose what's best... maybe the red one." He chuckled after closing that door.

Umiling naman ako at masama pa rin ang tingin sa pinto kahit wala na s'ya r'on.

Kung gaano ako natutuwa sa kan'ya kapag ang dali n'yang kausap, kabaliktaran n'on ang nararamdaman ko matapos n'ya akong pagtripan.

Buti na lamang ay walang malay si Eris. If by chance, I'll be red as fire!

--

Nang makabalik si Ivann dito sa warehouse, may dala na itong paper bag dahil nagtext ako sa kan'ya ng mga idinagdag ko pang ipapadala.

"Nahiya ka pang ipadala sa'kin yung buong kwarto mo, dapat sinabi mo na ring dalhin ko 'yung condo rito para naman mas masaya, di ba?" He uttered after putting down my things.

Ininat pa nito ang bewang at in-extend ang braso that triggers me to laugh more.

"Kulang pa nga 'yan. Wala pa yung paborito kong t-shirt d'yan." Biro ko sa kan'ya na agad naman akong pinanlakihan ng mata.

Sinabi ko kasi kanina sa kan'ya sa text na dalhin pati ang toothbrush ko na kulay green sa may rest room, my make ups and skin cares na nasa loob lang ng drawer, the perfume from Jovan, nagpadagdag na rin ako ng 2-3 t-shirt para kapag umalis ako bukas, may pamalit pa ko and for finale, my heels na hindi naman gaanong mataas.

'Yon lang. Kakaunti pa nga 'yon kung tutuusin.

"You're heartless," Umiiling nitong sambit pagkatapos ay ngumisi.

Tinawanan ko lang naman s'ya at inilingan. Gano'n na ba kami ka-comfortable sa isa't isa? Maybe, yes. He looks like a younger brother.

Pagkatapos n'on, binalingan n'ya ng tingin si Eris. Lumingon din naman ako. He's still sleeping like a goddamn baby but he's not noisy. Kanina ko pa nga hinihintay na humarok but he didn't.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon