Chapter 7 - Suspicious

42 2 1
                                    

"Ooh! Hi Nicole! Come here iha" ani ng mama ni Hailey nang makita kaming dumating. Yumakap siya sa akin at bumeso. Ganito ang mama niya.. malambing at mabait.

"Kumusta?" tanong niya habang nakahawak sa magkabila kong braso.

"Ayos lang po." sagot ko na nahihiya pa.

"Okay, Hailey kayo na ang bahala sa bisita. Aalis muna kami ng papa mo." aniya saka humalik kina Hailey at Sam.

"Pupunta lang kami sa tita nila. Feel at home iha." nakangiting aniya sa akin kasabay ng paghaplis niya sa mukha ko. Bigla kong naalala si mama, palagi niyang hinahaplos ang pisngi ko noon, saka ako hahalikan sa noo.

"Nicole?" tanong ni Hailey. Nang lingunin ko siya ay parang nag-aalala siya.

"Ha?" wala sa sariling sagot ko.

"Okay ka lang?" tanong niya na bahagyang nakatagilig ang ulo.

"Oo, okay lang." ngiti ko. Bigla niya akong niyakap sa hindi ko malamang dahilan.

"Miss mo na ang mama mo, I can feel it." mahinang aniya. Ganoon ba ako kadaling basahin? Pinigilan ko ang nagbabadya kong luha.

"Kumain tayo ng madami." aniya nang bumitaw sa pagkakayap sa akin.

"Nagpaluto si ate ng madami kasi alam niyang darating ka rito." nakangiting ani Sam habang naglalakad kami papuntang dining area. Tiningnan ko si Hailey na ngayon ay nakangiti rin habang naglalakad. Minsan nahihiwagaan ako sa kanya, parang nalalaman niya ang mga bagay bago pa mangyari 'yon.

Pagdating namin sa dining area ay maraming pagkain ang nasa ibabaw ng mahabang mesa. Mayroon itong tig tatlong upuan na makatapat at tag isang upuan na magkatapat rin na siyang upuan ng padre de pamilya at ilaw ng tahana. Iyon ang pagkakaalam ko, doon sila umuupo.
Kanina pa lang na pagdating namin ay naamoy ko na ang mga pagkain at talagang nakakagutom ang mabangong amoy nito.

Iginaya ako nina Hailey sa mesa at naupo. Tumabi siya sa akin samantalang si Sam ay katapat namin sa kabilang side.

May bacon, egg, hotdog, pancake at fried rice silang inihanda. Mayroon din lettuce at mga prutas gaya ng apple, orange at pinya.

"Kain na, Nicole." ngiti sa akin ni Hailey saka niya iniabot sa akin ang fried rice. Kumuha ako roon pagkatapos ay kumuha na rin ng ulam. Inabutan ako ni Hailey ng catsup.

"Salamat." wika ko. Sabay-sabay kaming kumain.

"Ate Nicole." tawag ni Sam.

"Hm?"

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya kaya bigla akong nabilaukan at napaubo. Hinagod-hagod ni Hailey ang likod ko.

"Bakit mo tinatanong 'yan?" baling ko kay Sam nang makabawi ako. Tinatawanan niya ako.

"Wala naman. Natanong ko lang." tawa niya pa.

"Wala ako no'n" wika ko.

"Oohh.. sabi ni ate malapit ka na raw magkaroon no'n" natatawang aniya na tumingin sa ate niya.

Aoi

Nilingon ko si Hailey na tumatawa na rin.

"Hailey!" sita ko sa kanya.

"Aminin mo? May isang tao kang naisip ano?" aniya na nang-aasar na. Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon.

"Namumula ka ate Nicole. May naisip ngang tao? Sino?" curious na tanong ni Sam.

Black and WhiteWhere stories live. Discover now