Chapter 23 - Secret

14 2 2
                                    

Nicole's Pov

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa baril na hawak ni Jordan. Wala ba siyang pakialam kahit may ibang tao akong kasama? Nakakatakot ang ngiti nilang dalawa sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Jaycee kasabay ng narinig kong putok ng baril, tunog ng nabasag na salamin at tunog ng mga nahulog na bagay mula sa likuran namin. Mabilis kong nilingon sina Jordan, may butas na ang glass wall sa pagitan namin. Muling tinutok sa akin ni Jordan ang baril. Bigla ko na lang naramdaman na hinila ako ni Jaycee at patakbong nagpunta sa staff room. Nakita ko na tumakbo roon ang kaninang staff na nasa cashier.

Mabilis ang pagtakbong ginawa namin, sa dulo ng staff room ay mayroong pinto palabas, nakita ko rin na nakalabas na ang staff. Nakasunod kami sa kanya ni Jaycee.

Paglabas namin ay tuloy-tuloy lang sa pagtakbo ang staff, hindi ko siya masisisi dahil nakakatakot nga naman na may mga taong kagaya nila Jordan. Tumakbo kami ni Jaycee sa salungat na direksyon na tinakbuhan ng staff.

Tuloy-tuloy kami sa pagtakbo hanggang makarating sa tapat ng campus.Mahigpit pa rin na hawak ni Jaycee ang kamay ko.

Mula sa pinanggalingan namin ay may isang mabilis na sasakyan ang paparating. Muli akong hinila ni Jaycee upang tumakbo. Tumakbo kami papunta sa likod ng campus at huminto sa tapat ng mataas na bakod. Lumuhod siya at sumenyas na tumapak ako sa likod niya. Gusto niyang akyatin namin itong bakod ng school? Trespassing kami nito!

"Bilis! Wala na tayong oras!" nagmamadaling wika niya. Sinunod ko ang sinabi niya, tumapak ako sa likod niya para maakyat ko ang bakod. Mabilis ngunit maingat akong tumawid sa kabilang side at tumalon mula roon. Napalingon ako kay Jaycee na mabilis nakaakyat ng bakod at tumalon. Muli kaming tumakbo, naghahanap ng matataguan.

"Doon tayo" turo niya sa engineering building. Hinawakan niya muli ang kamay ko at hinila ako patakbo.

"Paano tayo papasok?" natatarantang tanong ko dahil nakalock ang gate ng building. Muli niya akong hinila papunta sa gilid ng building. Lumuhod siyang muli at sumenyas na gamitin kong muli ang likod niya. Mabilis akong umakyat at nakatawid sa second floor. Naalala ko noon, ganito ang ginawa namin nina Bea.

Mabilis na nakasunod sa akin si Jaycee. Muli kaming tumakbo, sinusundan ko lamang siya hanggang sa makarating kami sa office ng dean. Pumasok kami doon at nagtago.

Parehas kaming nakaupo sa sahig sa gilid ng pintuan. Nakita kong inilabas niya ang phone at kinalikot iyon,

"Susundan kaya nila tayo rito sa loob?" kinakabahan na tanong ko.

"Sa tingin ko, oo." sagot niya kaya bigla akong napalingon sa kanya. Busy pa rin siya sa pagpindot sa kanyang cellphone.

"Paano mo nasabi?" tanong ko na nanlalaki pa ang mga mata.

"Parang gusto ka nilang patayin eh! Nakakatakot sila! Sino ba 'yon?!" tila kinakabahan rin na wika niya. Itinago niya na sa bulsa niya ang kanyang cellphone.

"Hindi ko sila kilala. Inatake na nila ako noon, kaya hindi ako nakapasok ng dalawang linggo ay dahil sa kanila." paliwanag ko.

"Nasaktan ka na nila dati? Hindi mo sinumbong sa pulis?" tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot. Magtatanong pa sana ako pero sumenyas siya na huwag akong magsalita. Ang kamay niya ay nasa kanang tenga niya, tila may pinapakinggan.

"Sinundan nga tayo" wika niya na nagpakaba pa lalo sa akin.

"Tama bang dito tayo nagtago? Hindi ba lalong walang makakakita sa atin kung narito tayo? Paano tayo hihingi ng tulong?" pabulong na tanong ko kay Jaycee.

Black and WhiteWhere stories live. Discover now