Chapter 16 - Hailey and the Light

26 1 0
                                    


Dylan's POV

"Carl, Jordan. Hindi niyo dapat pinatay ang dalawang batang 'yon" wika ni Jack habang nakasandal sa pader at nakacross ang mga kamay. Matangkad na lalaki ito at matipuno. He's in mid 30's.

"Bakit? Dahil bata lang sila? Kahit bata ang mga 'yon, magiging hadlang sila sa atin." sagot ni Carl habang prenteng nakaupo sa sofa. Maputi ito at may bigote. He's on his late 40's.

"Heh! Huwag mo kaming pagsabihan. Alalahanin mong mas matanda kami sa'yo. At isa pa, duwag ka." sagot naman ng kambal ni Carl na si Jordan. Tulad ni Carl ay maputi rin ito pero wala siyang bigote.

"Hindi ako brutal na katulad niyo." sagot ni Jack.

"Hindi naman kasing brutal ni Blaze. Hoy! Bakit naman sinunog mo ang batang 'yon? Kung sinunog mo, sana tinuluyan mo na. Pinahirapan mo pa." wika ni Carl habang nakangisi kay Blaze.

"I want them to suffer para malaman nilang hindi dapat nila dapat tayo kinakalaban. Itong si Louie masyadong mabait. Hindi masyadong pinuruhan ang kalaban." sagot naman ni Blaze habang nakatingin kay Louie. Blaze is a fire manipulator. He's on his late 20's. Katamtaman ang kulay at matangkad. Magandang lalaki rin ito pero mainitin ang ulo niya, maiksi ang pasensya at siya ang pinakabrutal sa lima.

Si Louie naman ay tahimik lang sa isang tabi. Mukhang walang interes sa usapan ng mga kasama niya.

"Sa susunod na may humadlang ulit sa atin, papatayin ko silang lahat." seryosong wika ni Jordan.

"Hindi sagot ang pagpatay sa mga bagay bagay." kontra ni Jack.

"Bakit ba ang hiling mong kumontra? Teka? Bakit ba kasama sa team natin 'to?" inis na wika ni Carl saka itinuro si Jack.

"Itong si Louie hindi naman kasali sa atin 'yan ha?" reklamo ni Blaze.

"He's a part of your team, temporarily. Nahuli sina Victor, so kayo na ang kateam niya." wika ni Madeline na prenteng nakaupo sa sofa habang nagkakape.

"Mahina naman sila Victor, nagpahuli pa. Dapat pinatay niya na lang nila sarili nila" wika ni Jordan.

"Enough, Jordan. You're new mission is to set them free. Victor's team I mean." seryosong wika ni Madeline. This girl is very dangerous. Mabuti na lang at kaya kong i-block ang ginagawa niyang pagbabasa ng isipan ng iba. I'm also protected from her mind manipulation ability.

"What? Bakit kailangan pa ilabas ang mga mahihina na 'yon?" reklamo ni Blaze.

"Sumunod na lang kayo sa utos." sagot ni Madeline.

"Okay, okay." walang ganang sagot ni Carl. Nagsimula ulit mag-usap sina Carl at Jack tungkol sa bagong mission nila. Napabuntong hininga ako.

"Bakit ba dito kayo nag-uusap?" inis na tanong ko. Dito sa kwartong ito ang tambayan ko at ni Yara. Hindi kalakihan ang kwarto pero komportable. May mga sofa at sa gitna nito ay maliit na mesa. This is a dark room. Kulay itim at pula ang kulay ng mga pader. Ang nagsisilbing ilaw lamang dito sa kwarto ay mga wall lights na weak yellow ang kulay at lantern na pula naman ang liwanag.

Bawat kwarto rito sa building ay iba-iba depende sa gusto ng mga nagmamay-ari ng kwarto. Ito talaga ang kwarto namin rito ni Yara kaya ganito ang pinagawa naming ambient ng kwarto. Ayaw namin pareho ng sobrang liwanag.

"Pinaalis nila kami doon sa kwarto namin. Maglilinis raw sila." sagot ni Blaze. Minsan na akong nakapasok sa kwarto nila. Malaki iyon dahil marami sila sa team. Typical na tambayan ang kwarto nila. May billiards, darts, archery at kung ano-ano pa na libangan. Mayroon rin silang mga gamit doon gaya ng microwave, ref at iba pa.

Black and WhiteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora