Chapter 15 - Gone

23 1 1
                                    

Nicole's POV

"Nasaan si Aoi?" nagtatakang tanong ko kay Hailey habang palinga-linga. Katatapos lang ng shift ko. Umalis si Bea at sinamahan siya ni Midori kaya si Aoi ang naiwan rito.

"Bigla na lang umalis, emergency raw eh." aniya habang inaayos ang gamit niya. Hindi ko napansin ang pag-alis niya, marami kasing customer ngayon.

"Lets go?" tanong ni Hailey. Tumango ako saka kami sabay na lumabas. Nagtake-out ako ng makakain sa dorm. Hindi kumain si Hailey habang naghihintay sa akin. Nanuod lang siya ng series sa phone niya.

Naglalakad na kami papunta sa boarding house nang may mapansin akong sumusunod sa amin. Naroon sila sa kabilang side ng kalsada.

Napapansin ko na kanina ang mga 'yon sa labas ng cafe. Nakatayo lang rin sila sa kabilang side. Paglabas namin ay naglakad na rin sila sa direksyon kung saan kami papunta. 

Sinusundan nga kaya nila kami? O assumera na naman ako gaya ng laging sinasabi ni Midori?

Hindi ko rin sila masyadong mamukhaan dahil bukod sa may distansya kami ay pareho silang nakasuot ng black na cap.

Si Hailey ay mukhang walang napapansin pero parang may kakaiba sa kanya. Parang masyadong malalim ang iniisip niya ngayon.

"Hailey, okay ka lang?" tanong ko kaya napalingon siya sa akin.

"Huh? Oo, okay lang." sagot niya saka ngumiti.

Hindi nakatakas sa akin ang reaksyon niya nang biglang mapunta ang paningin niya sa dalawang lalaking sa tingin ko ay sumusunod sa amin. Tila bahagya siyang nagulat pero nakabawi rin kaagad. Bigla niyang ibinaling muli sa harap ang paningin, pero ngayon ay parang hindi siya mapakali. Kinuha niya ang phone niya saka nagtype doon. Kung sino ang tinetext niya ay hindi ko alam.

"Sumakay na tayo Nicole, biglang sumakit ang paa ko." aniya saka biglang pumara ng tricycle. Mabilis niya akong hinila para sumakay roon kaya mabilis kaming nakarating ng dorm. Kakaiba ang kinikilos niya. Mukhang hindi rin naman masakit ang paa niya.

Pagdating sa dorm ay nagpalit lang ako ng damit saka kumain. Si Hailey naman ay pagkatapos pa kumain saka pumasok ng C.R at nagpalit ng damit.

Ginawa ko na ang homework na binigay ng prof namin.  Si Bea naman ay hanggang ngayon ay wala pa. Nawili yata siya dahil kasama niya ang pinsan niya. Nilingon ko ang C.R. dahil kanina pa si Hailey sa loob. Bakit hindi pa siya lumalabas? Mag iisang oras na siya.

"Hailey?" tawag ko habang kumakatok pero walang sumasagot.

"Hailey? Okay ka lang?" tawag kong muli. Kinabahan na ako nang hindi siya sumagot. Kinabig ko ang door knob at hindi naman ito nakalock. Sinilip ko muna ang loob, hindi ko siya makita kaya tuluyan ko nang binuksan ang pinto.

Pero... wala siya sa loob. Nasaan siya ? Sigurado akong pumasok siya rito at kung lalabas naman siya ay makikita ko dapat siya.

Hindi ito ang unang beses na nangyari ito.  Iniisip ko noon na baka hindi ko lang napansin na lumabas siya. Nangyari na rin ito noong naroon ako sa bahay nila. Minsan naman sa madaling araw, makikita ko na lang na wala na siya sa kama niya.

Ang nakapagtataka, paano siya nawala na parang bula rito sa C.R? Kinakabahan ako. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang tawagan pero narinig kong nagring ang phone niya sa loob ng C.R. Nakapatong iyon sa damit niyang nakapatong sa ibabaw ng nakasarang toilet bowl. Ni hindi siya nakapagpalit ng damit niya.

Hailey anong nangyari? Nasaan ka?

Lumabas ako para hanapin siya, baka nagkamali lang ako at hindi ko napansin na lumabas siya. Nasa tapat ako ng convenience store nang biglang may humintong itim na kotse sa bandang unahan ko. Bumaba mula roon ang babaeng naging customer namin noon sa cafe at nagsabi na mayroong espesyal sa akin.

Black and WhiteWhere stories live. Discover now