Chapter 29 - Choice

11 1 4
                                    

Nicole's Pov

Well, may I see?" wika niya habang nakatingin pa rin sa akin nang nakangisi. Napalunok ako dahil alam ko na ang gagawin nila sa akin.

Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Makakauwi pa kaya ako ng nasa matinong pag-iisip? Dahil sa gagawin nila sa akin ay siguradong masisiraan ako ng bait.

"Ugh! Ngayon ko lang napansin 'yang suot mo. Magbihis ka nga!" napamulat ako ng mata nang marinig ang mga sinabi ni Blaze. Tiningnan ko ang suot ko at napagtanto na nakaswim suit pa pala ako!

Bigla kong tinakpan ng kamay ko ang dibdib ko saka tumingin ng masama kay Blaze. Masama man akong nakatingin sa kanya pero nahihiya na ako ngayon dahil sa suot ko. Hindi ko na ito naisip dahil sa mga nangyari kanina.

"Paano ako magbibihis kung wala naman akong dalang damit! Kasalan niyo 'to eh!" naiinis na sagot ko sa kanya.

"Tsk, maingay pala ang isang ito!" inis na wika niya saka mabilis na hinubad ang suot niyang jacket.

"Oh!" pagalit na wika niya saka walang modong itinakip sa mukha ko ang jacket niya! Mabilis ko itong inalis sa mukha ko at tiningnan siya ng masama.

"Isuot mo 'yan. Nakakasuka kang tingnan." mataray na wika niya.

"Ang kapal --"

"Can't you just be thankful? Mabait pa ako sa lagay na ito." wika niya pa.

Naiinis man pero isinuot ko ang jacket niya. Mahaba ito kaya matatakpan na rin kahit papaano ang legs ko. Napalingon ako kay Norman. Tila naaamaze siyang nakatingin sa akin.

"Nagawa niyo pang magflirt sa harap namin lahat?!" tila naaamaze pa din na wika niya.

"We're not flirting!"

"Hindi ako nakikipagflirt!"

Halos sabay at pasigaw na wika namin ni Blaze.

"Well ---" magsasalita sana si Norman pero biglang nagsalit si Megan.

"Anong nangyari dyan sa mga kasama niyo?" tila nagtataka ngunit walang emosyon na tanong ni Megan. Napalingon ako sa tinitingnan niya. Ang dalawang lalaki kanina, iyong nawalan ng malay at iyong bumaril kay Naomi.

"Mga mahihina, napatumba ng babae" nakangising wika ni Carl na nakangisi pa.

"Hayaan niyo nang mamatay" ngingisi-ngisi rin na wika ni Jordan. Kahit kailan talaga, napakasama ng ugali ng kambal na ito. Sarili nilang kasamahan wala silang pakialam.

Napahawak sa noo si Megan, tila ba na-stress din sa dalawa.

"Bring them to the clinic" utos ni Megan. Si Jack at Louie ay kikilos na sana nang magsalit ulit si Megan.

"No, not you." wika niya habang nakatingin sa dalawa.

"You and you. Bring them to the clinic. Now." maawtoridad na wika ni Megan na itinuro ang kambal.

"What? Bakit kami?" pag-angal ni Jordan.

"I said, now." madiin na wika ni Megan.

"Tsk." tanging reaksyon ng kambal saka sumunod sa sinabi ni Megan. Mukhang isa siya sa boss dito. Marahil ay dahil asawa niya ni Norman na sinasabing number two ng Blacks.

Napalunok ako nang lingunin ako ni Megan, matalim ang tingin niya sa akin bago bumaling kay Yara.

"Yara, samahan mo siyang magbihis." utos niya sa anak. Ngumiti sa kanya si Yara at tumango. Lumapit sa akin si Yara at hinawakan ako sa kamay saka ako hinila kaya napatayo na lang ako.

Black and WhiteWhere stories live. Discover now