Chapter 4 - Erased

53 4 0
                                    

Nicole's POV

Naalimpungatan ako sa gitna ng pagtulog. Tiningnan ko ang oras, mag-aala una pa lang. Pinilit kong matulog pero hindi ko na magawa. Paikot ikot ako sa kama dahil naiinis na ako. Gusto ko pang matulog. Napansin kong wala sa kama niya si Hailey at ganoon din si Bea.

Magkasama kaya silang dalawa? Nasaan naman sila ng ganitong oras? Dahil sa hindi ako makatulog, naisip kong lumabas kahit gabi at madilim na. Sa tapat lang naman ako ng building maglalakad lakad.

Nasa second floor na ako nang mapansin ko na naman na may lalaking nakaitim at may hatak na babaeng may tape ang bibig at may tali sa mga kamay. Madalas kong makita ang babae na 'yon dahil isang kwarto lang naman ang pagitan namin. Mahaba ang buhok niya, kayumanggi na kulay at katamtaman lang din ang katawan niya. Mas matangkad siya sa akin.

Nagawa kong makalapit ng kaunti at makapagtago sa likod ng isang mataas na flower vase table. May kinausap sa phone ang lalaki at sakto na pagbaba niya sa tawag ay nakagawa ako ng ingay.

Alam niya kung nasaan ako dahil tumingin siya rito sa pinagtataguan ko. Bago ako lumabas at magpakita sa kanya ay kinuha ako ang isang maliit na pigurin, na aso. Sa bawat flower vase table dito sa dorm ay mayroong ganoon na pigurin. Mahilig yata sa aso ang may-ari nitong dorm. Inilagay ko sa bulsa ko ang pigurin bago magpakita sa lalaki.

Sinubukan ko siyang tanungin kung anong gagawin niya sa babae at kung siya ba ang serial killer na pumapatay sa mga babaeng halos nasa edad namin. Hindi niya 'yon sinagot bagkus ay sinabihan niya ako na huwag nang mangialam. Halata ko naman sa mga mata ng babaeng hawak niya na takot na takot ito at parang humihingi ng tulong sa akin.

Sinubukan kong kalabanin ang lalaki pero naitulak niya ako sa pader. Siya namang pagdating ni Bea na hindi ko alam kung saan galing. Hinagis sa kanya ng lalaki ang babaeng hawak niya at pumasok sa elevator. Nakita kong paakyat 'yon kaya mabilis akong tumayo at tumakbo paakyat. Tutuloy pa sana ako sa fourth floor nang makita kong lumabas na siya ng elevator sa third floor at tumakbo sa dulo ng hallway.

Kinuha ko sa bulsa ko ang pigurin at ibinato 'yon sa kanya. Natamaan ko siya pero binato niya 'yon pabalik sa akin kaya tinamaan ako ulo at napaupo. Nang malapit na siya sa akin at nasa tapat na ng kwarto namin ay bumukas ang pinto nito. Naroon si Hailey na mukhang bagong gising at hawak ang sungkaan na madalas namin nilalaro. Saan ba siya galing?

Nagulat siya nang makita ang kahina-hinalang lalaki kaya mabilis niyang inihampas sa ulo nito ang sungkaan. Biglang tumakbo ang lalaki papunta sa dulo ng hallway at nagbukas ng sliding window saka umakyat doon. Hinabol ko siya pero nakatalon na siya doon. Sinilip ko pa siya sa baba pero nagulat ako nang makita sina Midori at Aoi na hinahabol ang lalaki. May nakita pa akong lalaki sa baba pero nakatayo lang siya roon.

Bigla akong itinulak ng marahan ni Bea at saka sumampa rin doon sa sliding window at tumalon kaya napasigaw ako! Napakataas ng tinalon niya! Is that even possible?!

Hindi ko kayang tumalon dito kaya bababa na lang ako at hahanapin sila sa labas. Pababa na ako ng hagdan nang pigilan ako ni Hailey.

"Nicole..huwag ka ng humabol. Baka mapahamak ka lang." natatarantang aniya.

Napaisip ako. Bakit ko nga ba hahabulin ang lalaki? Pero parang may nagsasabi sa akin na habulin sila. Hinahabol nga sila nina Aoi bakit ako hindi pwede?

"No, Hailey. May parang nagsasabi sa akin na sumunod ako sa kanila. Dito ka lang." wika ko saka tumakbo pababa. Nasa labas na ako nang mapansin si Hailey na nasa likod ko pala at humabol. Pagsasabihan ko sana siya na huwag nang humabol pero nakita ko na lang na may lalaking nasa likod na niya at ginamitan siya ng karate chop sa batok kaya nawalan siya ng malay.

Black and WhiteDove le storie prendono vita. Scoprilo ora