Chapter 28 - Taken Away

11 1 0
                                    

Nasa harapan ko ngayon si Blaze. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Maling kilos ko lang na hindi niya magustuhan ay siguradong susunugin niya ako.

Nasense kaya ni Aoi ang aura niya?

Ngumisi siya sa akin na para bang nabasa ang iniisip ko.

"Masense niya man ang aura ko... hindi ka niya mapupuntahan dito. Busy sila sa pagligtas kay Hailey." tila nang-aasar na wika niya.

"Kailan niyo pa kami nasundan?" matapang na tanong ko nang alisin niya ang kanyang kamay sa bibig ko pero hawak niya pa rin ang braso ko. Sinisiguradong hindi ako makakatakbo.

Si Hailey ang mission nina Aoi. Alam kong mas priority niya si Hailey ngayon. Nariyan sina Jaycee. Siguradong pupuntahan nila ako.

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Blaze at bumitaw sa pagkakahawak sa akin. Hawak niya ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay niya na ngayon ay nanginginig. Marahas siyang lumingon sa kanan namin. Sinundan ko iyon at nakitang nakatayo hindi kalayuan sa amin si Kaia.

"Kaia! Lumayo ka rito! Huwag kang lalapit sa kanya!" sigaw ko. Ano mang oras ay pwede siyang sunugin ni Blaze.

Muli kong nilingon si Blaze. Nanggagaliti siya sa galit habang nakatingin kay Kaia. Ano ang ikinagagalit niya?

"I'll burn you to death!" galit na sigaw ni Blaze.

"Tumigil ka, Blaze." wika ng isang boses . Nilingon ko ang likuran ko at nakita ang isang lalaki na medyo chinito. Siya 'yong mukhang chinito at semi kalbo dati. Naglakad siya kay Blaze na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.

"Pati ba naman babae, susunugin mo?" mahinahon na tanong ng lalaki.

"Louie, 'wag kang makialam." wika ni Blaze.

"Naroon ang target, wala rito." wika muli ni Louie.

"Pwede natin gamitin ang babaeng 'yan para makuha ang target" wika ni Blaze.

"As if I would let you." rinig kong wika ni Kaia. Nagulat na lang ako nang bigla ay nasa harap na siya ni Blaze at marahas itong sinipa. Inatake niya rin si Louie ngunit hindi ito lumalaban. Dumedepensa lang siya.

"Nicole, run!" sigaw ni Kaia. Bakit nilalabanan sila ni Kaia? Bakit hindi siya natatakot? Bakit pinoprotektahan niya ako?

"Run!" sigaw niyang muli kaya mabilis akong tumakbo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay naabutan ako ni Louie. Humarang lamang siya sa harap ko.

"Huwag ka nang tumakas, kung hindi ay mapipilitan akong saktan ka." wika niya. Bakit parang pakiramdam ko hindi naman talaga siya masama?

Nilingon ko sina Kaia, naglalaban sila ni Blaze. Marunong talaga siya makipaglaban! Hindi kaya member rin siya ng White? Pero wala naman siyang nababanggit.

"Nicole!" rinig kong pagtawag sa akin ni Jaycee. Nilingon ko ang pinanggalingan noon. Tumatakbo sila ni Cherry palapit sa amin.

"Tsk", rinig kong reaksyon ni Louie kaya nilingon ko siya. Tila problemado ang kanyang itsura. Napatitig ako sa kanya, naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya nilingon niya ako. Bumuntong hininga siya bago ibalik ang paningin kina Jaycee. Tumakbo siya palapit sa kanila at sabay na itanake ang magpinsan. Habang lahat sila ay may kalaban, ako naman ay nakatayo lamang rito at pinapanood sila. Si Louie na mag-isang kalaban ang magpinsan ay mukhang lamang kahit na mag-isa siya. Si Kaia naman ay tila napapagod na kay Blaze. Himalang hindi niya sinusunog si Kaia.

Ano ang gagawin ko? Marunong akong makipaglaban pero hindi gaya ng level nila. Malalakas ang kalaban at kapag sinubukan kong sumali ay baka makasagabal lang ako sa kanila. Ano ba ang dapat kong gawin?

Black and WhiteKde žijí příběhy. Začni objevovat