Chapter 11 - Liyah

31 2 1
                                    

Nicole's POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil kahapon ay sinabihan ako ng secretary ng student council na puminta ako sa offfice nila. Mayroon daw akong ginawang hindi na naman maganda. Ano na naman kaya ang isisi nila sa akin? Nauna ako kina Hailey kaya ako lang mag-isa ngayon.

Pagdating ko sa office nila ay si Yara lang ang naroon. Nag-aayos siya ng files.

"Oh may naiwan ka?" aniya saka lumingon sa akin.

"Ikaw pala, Nicole. Akala ko bumalik si kuya." aniya saka tumayo at lumapit sa akin.

"Tara, maupo ka na muna." yaya niya saka ako hinawakan sa balikat. Mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Don't talk to me like we're close." wika ko saka naglakad palapit sa upuan at naupo roon. Pabilog ang may kalakihang mesa rito at may sampung upuan. Narinig ko siyang tumawa at umupo na rin sa may tapat ko.

"Close naman tayo 'di ba?" aniya na ipinatong ang siko sa table at saka nagpangalumbaba.

"That was long ago, Yara." seryosong wika ko.

"It's just three years ago." natatawang aniya. Binigyan ko lang siya ng masamang tingin.

"You still resent us, do you?" aniya na parang sigurado sa sinasabi niya.

"Do I have a reason not to?" seryosong tanong ko.

"I see. Hindi ka pa rin nakakamove on sa ginawa ng kuya ko. Sa ginawa namin sa'yo." seryoso na siyang nakatingin sa akin.

"I hate you." mariing wika ko. Matunog naman siyang tumawa.

"Well, I can't blame you though. What can we do? We can't oppose our mother. She doesn't like you." nang-aasar na aniya.

"I hate her more." walang kasing lamig na sagot ko. Ang nanay nila ang may kasalanan kung bakit wala na ang mama ko ngayon. Ang dahilan kung bakit nag-iisa na lang ako ngayon. Kasalanan nila ng asawa niya.

"Yeah. You hate us. I can feel it." aniya na nakatingin ng diretso sa akin.

Narinig naming bumukas ang pinto kaya ibinaling niya ang tingin doon.

"Nandito na pala siya. We can start, Pres" aniya ng isang babae. Hindi ko siya kilala sa pangalan pero kilala ko siya sa mukha. Siya ang treasurer ng student council.

Pumasok na silang lahat at kasunod ng tatlong officer ay si Katty, isang babae at dalawang lalaki. Naupo silang lahat at tumingin sa akin ng seryoso.

"Ms. Ray, we received a complaint about you. You're the one who beat these two guys. Is it true?" aniya na tinuro ang dalawang lalaki. Puro pasa ang mukha nila. Ang isa ay putok ang labi. Napansin ko rin na may sugat siya sa leeg. Ang isa naman ay putok ang kilay at may mga galos at pasa rin sa mukha.

Nakaaway ko ang putok ang labi noong isang araw pero isang sapak lang naman ang ginawa ko. Ako ang may gawa ng pasa niya malapit sa mata pero ang iba ay hindi na ako. Sa isang lalaki naman, hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang ako rin ang gumawa sa kanya no'n.

"Kapag sinabi ko bang hindi, maniniwala ka?" walang ganang tanong ko. Alam ko na kung saan na naman pupunta ang usapan na 'to.

"May mga nakakita sa'yo" wika ng treasurer saka itinuro si Katty at ang isang babae. I just rolled my eyes. Kung narito si Katty ay siguradong pakana niya na naman ito para guluhin ako.

"You may speak, miss Jackie." wika ng secretary. Tumingin si Jackie kay Dylan na tinanguan naman siya.

"Nakita ko noong isang araw si Nicole at si Dave na nagtatalo. Sa labas na 'yon ng campus malapit sa dorm. Sinuntok ni Nicole si Dave sa mukha. Gaganti sana si Dave pero pinigilan siya ni Roi." kwento ni Jackie. Totoo, 'yon ang nagyari ng araw na 'yon.

Black and WhiteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant