Chapter 22 - New Staff

17 1 0
                                    


Nicole's POV

"Hailey, okay ka na ba? Hindi ka na ba nilalagnat madalas?" tanong ko kay Hailey habang nag-aayos ngh mga gamit ko.

"Okay na ako" nakangiting sagot niya.

"Ano nga pala ang nangyari sa'yo? Naaksidente ka raw? Paano?" tanong niya na halatang nag-aalala. Kakatapos niya lang maligo at nagpapatuyo ng buhok gamit ang blow dryer. Ugali niya na ang maligo bago matulog. Ako naman minsan ay kinakatamaran ko 'yon.

"Hindi ako naaksidente. May nanakit sa akin. Ewan ko kung bakit naaksidente ang sinabi sa'yo ni Dylan" sagot ko sa kanya at pakiramdam ko ay naiinis ako dahil sa ginawa ni Dylan.

"May nanakit sa'yo?! Sino?" gulat na tanong niya.

"Hindi ko sila kilala. May hinahanap silang tao sa akin pero hindi naman nila sinasabi kung sino. Babaeng white lang ang binabanggit nila. Paano ko malalaman kung sino 'yon? Hindi naman nila sinasabi ang pangalan. Dahil sa hindi ko masagot ang tanong nila, sinaktan nila ako." mahabang kwento ko. Sino nga ba ang hinahanap nila? Mabuti na lang at nakita ako ni sir Neil. Hindi ko alam kung bakit parang natakot sa kaniya ang mga taong 'yon. Nawalan na ako ng malay kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang ako sa isang hotel na sina Dylan at Yara ang kasama ko. Magkakilala kaya sina sir Neil at Dylan?

Napansin ko na nakatitig lang sa akin si Hailey na tila may iniisip. Ang expression ng mukha niya ay iyong tila ba may napagtanto siyang bagay.

"Paano ka nakatakas?" tanong niya.

"Dumating si sir Neil. Pagkatapos ay tumakbo na lang paalis doon ang mga lalaki. Tapos hindi ko na alam ang mga nangyari." sagot ko sa kanya.

"Mabuti na lang at may dumating. 'Yong sir Neil, kapatid siya ng boss mo sa cafe 'di ba?" tanong ni Hailey habang nakayuko dahil ang ilalim na ng buhok niya ang pinapatuyo niya.

"Oo, partner niya rin 'yon sa cafe kaya boss ko rin siya." sagot ko. Natapos na akong mag-ayos ng gamit kaya humiga na ako sa kama. Nanatili lang akong nakahiga ay nakatingin sa kisame. Hindi na kasi nagsalita si Hailey.

Nang tingnan ko siya ay nakita ko na hawak niya ang kanyang phone. Parang nagtetext or may kachat. Matapos niyon ay nilapag niya sa  kama ang cellphone niya. Napalingon siya sa akin saka ngumiti. Tila napansin niya na tumingin ako sa cellphone niya.

"Ah, si Aoi 'yon. Nagtext, nireplayan ko lang." sagot niya habang nililigpit ang blow dryer.

"Ah, text mate na pala kayo ni Aoi" komento ko ngunit ngiti lang ang sagot niya sa akin. Gusto niya siguro talaga si Hailey? Dapat ko pa bang ituloy ang nararamdaman ko para sa kanya? Kung si Hailey naman ang babaeng nagugustuhan niya, mas okay na sa akin 'yon. Pero masakit.

***

Tulad ng nakagawian ay maaga kaming umalis ni Hailey para pumasok. Pagdating namin sa gate ng dorm ay naroon sina Jaycee at Cherry. Kami ba ang hinihintay nila?

"Good morning!" masiglang bati ni Cherry nang makita niya kami.

"Good morning." bati rin ni Hailey sa kanya.

"Good morning, Hailey. Hi Nicole" bati naman ni Jaycee. Si Hailey ay bumati rin samantalang tango lang ang sinagot ko sa magpinsan.

"Ganito kami tuwing umaga. Hinihintay namin parati si Hailey dito sa gate." paliwanag ni Cherry kahit na hindi ko naman tinatanong.

Napansin ko sa kabilang kanto na nasa kabilang side ng kalsada si Aoi. Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa amin. Nakasandal siya sa bakod ng isang bahay doon at nakapamulsa. Nagsimula nang maglakad sina Hailey kaya sumunod na ako.

Black and WhiteWhere stories live. Discover now