Chapter 2 - Detention

68 5 1
                                    

Nang dumating ako sa dorm ay nakaayos na si Hailey at handang ng umalis.

"Hindi ka ba talaga sasama?" tanong niya sa akin nang makita niya akong pumasok ng kwarto.

"Hindi. Hindi naman ako invited. Saka wala akong gagawin doon." sagot ko saka dumeresto at umupo sa kama kasabay ng paglapag ko ng bag.

"Sinabihan ako ni Cheryl. Isama raw kita." aniya habang nag-aayos ng buhok.

"Ayoko." tipid na sagot ko saka nagtanggal ng sapatos.

"Sige. Sasabihin ko na lang sa kanya." aniya saka lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Sana, kung may mga taong gustong pumasok sa buhay mo, pagbigyan mo naman. Hindi lahat sila gaya ng iniisip mo." aniya ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Tiningnan ko lang rin siya at hindi sumagot. Ngumiti siya sa akin.

"Sige na, alis na ako. Nasa baba na si Jaycee." aniya saka tumayo. Si Jaycee ang classmate namin na kumausap kay Hailey noong sinamahan niya ako sa part time job ko.

"Bye, Bea." paalam niya rin kay Bea na kumaway rin naman sa kanya. Tuluyan na siyang umalis at naiwan kami ni Bea. Nakatingin siya sa akin na para bang pinag-aaralan ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Ilag ka sa mga tao, ano? Kaya wala kang masyadong kaibigan." aniya.

"Hindi ko kailangan ng marami kung hindi naman totoo. Sapat na sa akin ang isa." seryosong sagot ko bago nagpunta ng banyo para magpalit ng damit.

Paglabas ko ay nakadapa na si Bea at nanunuod yata ng movie. Nagbasa na lang ako ng libro para malibang at para antukin na rin habang nakapasak sa tenga ko ang earphones, nakikinig ng tugtugan ng Paramore.

Kalahating oras ang lumipas nang biglang tumawag si Hailey.

"Nicole!" bungad niya na parang may hihingi ng pabor.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Naiwan ko ang regalo ko... pwedeng pakidala rito? Please..." pakiusap niya.

"Pwede mo naman ibigay bukas ang regalo mo 'di ba?" tanong ko.

"Hindi pwede.. pagkain kasi 'yan. Looking forward si Cheryl dyan eh. Please." pakiusap niyang muli. Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Okay." bakit ba ang hirap tanggihan ni Hailey?

"Yey! Thank you! Naiwan ko yata sa hanging cabinet. Nakita mo?"

Nilingon ko ang hanging cabinet pero wala roon. Nasa study table namin nakapatong.

"Wala doon. Nasa study table." wika ko.

"Hehe.. alam mo naman kung saan ang bahay nila Cheryl 'di ba?" malambing na tanong niya.

"Oo." alam ko dahil pumunta na kami kina Cheryl noon nang magpasama si Hailey dahil naghatid siya ng libro.

"Pasensya na ha." aniya in apologetic tone.

"Okay lang. Sige pupunta na ako." wika ko saka tumayo.

"Okay. Sabihan mo ako kapag malapit ka na."

"Sige." sagot ko saka ibinaba ang tawag. Nag ayos na ako at kinuha ang regalo nang biglang magsalita si Bea.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sala umayos ng upo.

"Sa bahay ng classmate natin." sagot ko saka ko dinampot ang maliit kong bag saka isinabit sa balikat ko.

Black and WhiteWhere stories live. Discover now