"Walang anuman. Tungkulin ko iyon bilang isang doktor, hija. O siya, ako't mauuna na. Tandaan mo ang mga bilin ko sa 'yo!" aniya at sumakay na sa kaniyang karwahe.

Hindi ko alam na may sarili rin pala siyang karwahe? Mayaman din siguro sila.

Bumalik na ako sa loob ng Casa nang mawala na sa paningin ko ang karwahe ng doktor. Kaagad kong nilapitan si manang.

"A-Ano po ba ang dahilan ng pagkaatake niya, manang?" pambungad na tanong ko.

"A, e . . . narinig ko po kanina, binibini na may kasagutan si Don Alonzo sa kaniyang tanggpan nang mapadaan ako. Hindi ko po gaanong maintindihan ang sinasabi niya pero galit na galit po ang boses niya no'n tapos biglang natahimik. Kinabahan po ako no'n, binibini kaya kaagad kong binuksan ang pinto tapos naabutan kong nakahandusay sa lapag ang Don habang hawak ang kaniyang telepono," mahabang paliwanag ni Manang.

Napatango ako sa sarili. Mukhang alam ko na kung bakit siya inatake. Wala naman ibang dapat pangsisihin kungdi ang mag-amang Williams! Simula nang pumasok sila sa buhay namin ay hindi na nawalan ng problema si ama. At ngayon ay umabot pa sa ganito.

Napahugot ako nang malalim na hininga at nanginginig na ibinuga iyon nang mabagal. Madiin kong naikuyom ang kamao ko sa tindi ng poot na nararamdam ko sa mag-ama. Hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyari pa ulit na masama kay ama ng dahil sa kanila.

Hirap na hirap akong makatulog nang gabi iyon. Hindi mapakali sa kama. Kinakabahan sa hindi malaman na dahilan. Pakiramdam ko ay mas ilalala pa ang mga kaganapan na ito sa mga susunod na araw.

At hindi nga ako nagkamali.

Nagising ako dahil sa ingay. Hindi mula sa mga huni ng ibon kungdi dahil sa mga boses na tila nagtatalo sa baba. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko na naman ang galit na boses ni ama.

Hindi na ako nakapaghilamos ni nakapagsuklay sa aking buhok. Minadali kong kunin ang aking puting kardigan para matakpan ang kaselanan ko dala ng manipis kong pangtulog na bestida.

Naabutan ko sa baba ang isang komosyong sangkot si ama. Ang aming mga tagapaglingkod ay hawak-hawak si ama na animo'y pinipigilan siyang lumapit sa kung sino man ang kaalitan niya.

Si manang Felicidad ay hindi mawari ng hitsura sa pag-aalala para sa aking ama. Pilit niya itong pinapahinahon sa abot ng kaniyang makakaya. Nakita ko kung paano bumuka ang bibig niya na tila nagmamakaawa na kumalma ang aking galit na ama.

Ngunit sa paaran ng pagduro ni ama sa kaniyang kausap ay malabong mapaamo ni manang ang nagbabagang galit niya. Halos maihambing ko ang hitsura ng aking ama sa isang mabangis na leon sa kaniyang galit.

"D-Don Alonzo! Kumalma po kayo, parang awa n'yo na! Hindi po ito makakabuti sa inyong kalusugan!" dinig kong pagmamakaawa ni manang Felicidad ngunit tila bingi si ama sa mga sinasabi ng matanda.

"Ama!" pasigaw kong tawag saka tuluyang bumaba sa pinakahuling baitang ng hagdan.

Mabilis kong tinawid ang distansya sa pagitan namin at nakita kung sino ang dahilan ng kaniyang pagkagalit. At gaya niya ay hindi ko rin maiwasang manginig sa inis at poot nang makita ang prente at tila hindi natitinag na hitsura ng mag-amang Williams na nakatayo sa tapat ng pinto ng aming Casa.

"Manang, pakidala na lang po muna si ama sa kaniyang silid. Ako na po ang bahalang humarap sa mga bisita," utos ko kay manang.

Tumango naman sa akin ang matanda at inakay nila ang ama kong pilit na nagpupumiglas. Kita ko ang hirap sa mga tagapaglingkod namin na akayin siya sa maingat ngunit ligtas na paraan para hindi siya masaktan.

"No! Ako ang kakausap sa mga walang hiyang mga iyan!" sigaw ni ama na pilit kaming nililingon. "Bitiwan n'yo ako!" Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang maiakyat sa itaas.

Heart of Thirst | HEC #1Where stories live. Discover now