Kabanata XIII

210 22 21
  • इन्हें समर्पित: superfarr
                                    

kabanata xiii

the best proof of love is trust.


⚜⚜⚜


              Napakurap-kurap ako sapagkat ayaw tanggapin at iproseso ng aking utak ang mga salitang binitiwan ni Ama kanina. Napatanga ako sa kinatatayuan at naglakbay ang isipan sa kawalan.

Ano iyon? Bakit hindi maganda ang takbo ng pag-uusap nila?

Narinig kong si Ginoong Felipe ang katawagan ni Ama—ang kaniyang kanang kamay, ang pinaka-pinagkakatiwalaan niya sa aming negosyo. Kung hindi ako nagkakamali ay may anomalyang nagaganap at sangkot doon ng aming Hacienda.

Narinig ko ring may kinalaman ang mga taong pinapunta rito ni Ama. Isa sa mga naging bisita namin. Hindi kaya . . .

Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto sa aking likuran. Iniluwa noon si Ama na kunot na kunot ang noo pero mabilis iyong naglaho nang makita ako.

"O, Bonita, anong g-ginagawa mo r'yan? May kailangan ka ba?"

Napakurap ako sa kaniyang tanong. Wala na ang mala-tigreng boses ni Ama. Bumalik sa pagiging maamo ang kaniyang mukha, tila walang pinagsalitaan nang masama kani-kanina lamang.

Kumirot ang aking dibdib. Batid kong nagpapanggap lamang siya na maayos ang lahat. Kaya . . . bakit niya ito ginagawa? Bakit niya inililihim sa akin ito?

"A-A . . . W-Wala naman po, Ama. N-Napadaan lang po ako," palusot ko upang hindi siya magduda na nakinig ako sa usapan nila.

Tumango siya sa akin. "Gano'n ba? O siya sige, bababa muna ako para kumuha ng maiinom. Pumasok ka na sa silid mo, Bonita. At kung may kailangan ka ay h'wag kang mahiyang katukin ako rito sa aking tanggapan," ngiti niya.

Kagat-labi akong tumango sa kaniya. Mabibigat ang hininga kong naglakad pabalik sa aking silid. Sinundan ko pa ng tingin si Ama bago siya tuluyang makababa. Napabuga ako ng hangin bago tuluyang pumasok.

Hindi ko na alam kung bakit o para saan pa ba ang pagkirot ng aking dibdib. Kung iyon ba ay dahil sa nangyari kaninang umaga o dahil sa paglilihim ni Ama sa akin tungkol sa nangyayari sa aming Hacienda?

Hindi ko maiwasang mabagabag sapagkat kamakailan lang no'ng makita kong ibinenta ni Ama ang dalawang libong ektaryang lupain namin nang hindi niya pa rin ipinapaalam sa akin. Tapos ngayon . . . may maririnig akong ganito?

Hindi kaya'y bumabagsak na ang aming negosyo?

Humiga ako sa aking kama na may naluluhang mga mata. Hindi ako nalulungkot sa kaisipan na mawawala na sa akin ang ganitong klaseng pamumuhay. Masagana at may mga taong handa kang paglingkuran.

Ang ikinalulungkot ko ay mawala ang pinaghirapan ni Ama. Hindi ko man alam ang kabuuang istorya dahil hindi pa ako isinisilang sa mundong ito noong nabili ni Ama ang Hacienda, pero alam kong malaki ang ipinundar niya para dito.

At isa pa . . . rito nagsimula ang pagmamahalan nila ng aking Ina. Kung tuluyan mang mawawala ito ay tiyak na daragdag lang ito sa pagkabasag ng puso ni Ama, at ayaw kong mangyari iyon.

Hindi ko na yata kakayanin pang muli na makita siyang luhaan at sugatan. Mas doble ang sakit na mararamdaman ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang antok hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman nang may mabigat na puso at luha sa mga mata.

Heart of Thirst | HEC #1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें