Kabanata IX

273 29 13
                                    

kabanata ix

flowers are the love's truest language.


⚜⚜⚜


              Pumihit ako pakanan mula sa pagkakatihaya. Hindi ako nakuntento at sa kabilang banda naman ako humarap.

"Ano ba ito!" bulalas ko at biglaang bumangon. Tumayo ako at pabalik-balik na naglakad. Huminto lang nang makaramdam ng pagod at naupo sa dulo ng aking kama.

Pasado alas-diyes na ng gabi. Tulog na ang mga tao sa Hacienda at marahil ay maging sa buong bayan ng San Antonio. Pero heto ako at gising na gising ang buong sistema.

Bumuntong-hininga ako't ibinagsak ang sarili sa malambot na kama. Blangko kong pinagmamasdan ang kisame ng aking four-poster bed na inukit pa mula sa Paete. Dalawang gabi na rin akong hindi pinapatulog nang maayos ng mga katagang sinabi sa akin ni Baste.

Ano bang ibig na sabihin noon? Anong diyalekto ang ginamit niya? Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. Siguro ay tatanungin ko na lang bukas si Manang, matagal na siyang narito, e. Hindi ko kasi alam kung ano ang tawag sa diyalektong ginagamit nila. Madalang lang din naman silang magsalita no'n, siguro ay para maintindihan ko sila kaya mas madalas silang magsalita ng Tagalog.

Humikab ako't umayos na ng pagkakahiga. Dapat talaga ay maaga akong matutulog para sa pagpasok bukas. Kaso ito kasing si Baste! Napahinga ako nang malalim. Kumalma ka, Pristine. Hindi mo dapat pinagpupuyatan ang isang lalaki!

Hindi naman yata patas na ako rito'y hindi magkandaugaga sa kakaisip sa kaniyang sinabi, samantalang siya ay mahimbing na natutulog?

Pumikit ako at pinilit na maging payapa ang aking isipan hanggang sa tuluyan na akong kainin ng antok.


              Kinabukasan ay nagising ako sa mga huni ng ibon na namamahinga sa durungawan ng aking silid. Nanliliit pa ang mga mata kong umunat at umahon sa kama. Hindi pa naman ganoon kaliwanag, nagsisimula pa lamang ang pagbubukang-liwayway ng kalangitan. Mabilis akong lumakad at lumabas ng silid para maligo.

Nakahanda't nakaayos na ako nang magtungo sa hapag-kainan. Napagpasyahan kong suotin ang aking puting bestida na may disenyong pulang mga tuldok-tuldok at pinaresan iyon ng pulang d'Orsay flats na regalo sa akin ni Josephine at nagmula pa sa bansang Pransya.

Nasulyapan ko sa kabisera si Ama na kumakain. Tahimik ko siyang pinagmasdan hanggang sa maupo ako. Binitiwan niya ang hawak na kubyertos at malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan, tila ba may problemang dinaramdam.

"A-Ama? May problema po ba kayo?" nag-aalala kong tanong.

Mukhang nabigla naman ang itsura ni Ama. Siguro ay hindi niya napansin ang aking presensiya. Mabilis siya nakabawi sa pagkakagulat at ginawaran ako ng ngiti.

"Magandang umaga, Bonita . . . Wala naman. Huwag mo na akong pansinin."

"Magandang umaga rin ho, Ama," bati ko pabalik.

Tipid na lamang akong ngumiti sa kaniyang isinagot. Hindi kuntento sa mga salitang kaniyang binitiwan. Nababagabag pa rin ako sapagkat taliwas sa kaniyang sinabi ang ekspresyong ipinapakita ng kaniyang mga mata. Malakas ang pakiramdam ko na may tinatagong problema sa akin si Ama.

"Siya nga pala . . . anong mayro'n at tila ikaw ay ayos na ayos, Bonita? Ngayon ko lang ata nakita na maayos na maayos ang pagkakatali ng iyong buhok? May . . . gusto ka bang pahangain na isang lalaki?" nakangiting tanong ni Ama, tila nanunukso.

Heart of Thirst | HEC #1Where stories live. Discover now